Cainta, Rizal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Cainta
—  Bayan  —

Sagisag
Mapa ng Rizal na nagpapakita sa bayan ng Cainta.
Cainta, Rizal is located in Philippines
Bayan ng Cainta
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°34′N 121°7′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Rizal
Distrito Unang Distrito ng Rizal
Mga barangay 7
Pagkatatag 30 Nobyembre 1571
Pamahalaan
 • Punong-bayan Kieth Nieto (UNA United Nationalist Alliance)
Lawak
 • Kabuuan 42.99 km2 (16.60 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 311,845
Zip Code 1900
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang Klase
PSGC 45805000
Website [1]
Senso ng populasyon ng
Cainta, Rizal
Senso Populasyon +/-
1990 126,839
1995 201,550 9.7%
2000 242,511 4.05%
2007 304,478 3.19%
2010 311,845 0.33%

Ang Bayan ng Cainta ay isang ika-1 bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ang pinakama-unlad na bayan ng lalawigan, isa sa pinakamatanda (itinatag nong 1571), at ang bayang may pinakamaliit na sukat.

Ang Cainta ang nagsisilbing bukanang daanan sa kabuuan ng lalawigan ng Rizal at isa sa mga urbanisadong bayan ng Rizal dahil sa kalapitan nito sa Maynila, kaya't sinasabing ang katagang "Ang iyong daan tungong Silangan" (Your Gateway to the East). Sinasabi rin na ang bayan na ito bilang "Kabisera ng Bibingka ng daigdig" (Bibingka Capital of the World).

Heograpiya[baguhin]

Naghahanggan ang bayan sa Lungsod ng Marikina at San Mateo sa hilaga, sa kanluran ng Lungsod ng Pasig, at sa silangan at timog ng Taytay. Ang bayan ay nasa lambak ng Marikina, at 10% nito ay mga dalisdis ng mga burol, at 90% naman ay nauuri sa residential-industriyal. Pinakamaraming ilog at sapa sa Cainta sa buong Rizal. Ang mga dalubhasa sa kasaysayan ay sinasabi na ang lumang hangganang heograpikal ay kinapalolooban ng mga dalisdis ng bundok ng Montalban.

Mamamayan[baguhin]

Ayon sa senso noong taong 2000, may populasyon itong 242,511 sa may 51,863 kabahayan. Ang populasyon ng Cainta ay binubuo ng 80% Katoliko, 10% Protestante, at 10% ng ibang sekta kabilang na ang Iglesia ni Cristo, Muslim at iba pa. Halos lahat ng mamamayan ng Cainta ay nagsasalita ng Tagalog.

Mga Lahing Sepoy[baguhin]

May ilan ilan sa populasyon ay nagmula sa lahi ng mga Indiyanong sundalo na lumaban laban sa mga Sandatahang Briton nang ang mga Briton ay sandaling sinakop ang Pilipinas noong 1762 hanggang 1763. Ang mga sundalong Indiyano na ito ay tinawag na Sepoy na nanirahan sa bayan at nakipag-asawa sa mga katutubong kababaihan nito. Ang mga lahing Sepoy ay kitang kita parin sa ngayon, lalung lalo na sa Barrio Dayap malapit sa Bgy. Sto Niño. Ang kanilang kakaibang pisikal na itsura ay nagiging dahilan upang sila ay maging iba sa pangkaraniwang Pilipino na ang pangunahing nagmula sa Malay at Intsik.

Kultura[baguhin]

Noong Panahon ng modenisasyon sa Cainta, ang mga tradisyon ay naging mas marangya, lalo na tuwing mahal na araw. Ang pinakakilalang ritwal ay ang Cenakulo (isang palabas na nagpapakita sa pagpapahirap at pagkamatay ni Kristo) at ang Ang Pagpapapako (isang palabas sa pagpako sa krus ni Kristo).

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Cainta ay nahahati sa 7 barangay. Noong kalagitnaan ng 1990, nagpetisyon ang Cainta sa pamahalaang lalawigan ng Rizal na ipasa ang pagdadagdag ng mga barangay, na magtutuos sa 25 mga barangay. Ang proposal ay kasalukuyang pa ring nakabinbin.

Barangay Population
(2000)
San Andres (Pob.) 61,708
San Isidro 32,730
San Juan 91,196
San Roque 7,646
Santa Rosa 1,519
Santo Domingo 41,084
Santo Niño 6,628

Mga Kawing Panlabas[baguhin]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.