Pumunta sa nilalaman

Stephen Hawking

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Stephen Hawking
Stephen Hawking at NASA, 1980s
Kapanganakan
Stephen William Hawking

8 Enero 1942(1942-01-08)
Kamatayan14 Marso 2018(2018-03-14) (edad 76)
NasyonalidadBriton
NagtaposUniversity of Oxford
University of Cambridge
Kilala saBlack holes
Theoretical cosmology
Quantum gravity
Hawking radiation
AsawaJane Hawking (m. 1965–1991, divorced)
Elaine Mason (m. 1995–2006, divorced)
ParangalWolf Prize (1988)
Prince of Asturias Award (1989)
Copley Medal (2006)
Presidential Medal of Freedom (2009)
Karera sa agham
LaranganApplied mathematics
Theoretical physics
Cosmology
InstitusyonUniversity of Cambridge
California Institute of Technology
Perimeter Institute for Theoretical Physics
Doctoral advisorDennis Sciama
Academic advisorsRobert Berman
Doctoral studentBruce Allen
Raphael Bousso
Fay Dowker
Malcolm Perry
Bernard Carr
Gary Gibbons
Harvey Reall
Don Page
Tim Prestidge
Raymond Laflamme
Julian Luttrell
ImpluwensiyaDikran Tahta
Albert Einstein
Pirma

Si Stephen William Hawking, CH CBE FRS (8 Enero 1942–14 Marso 2018) ay isang Ingles na pisikong teoretikal at matematiko. Isa siya nangungunang pisisistang pangteoriya sa mundo. Ang pisiko o pisistang teoretikal ay isang taong gumagamit ng kabatiran o impormasyong nagmula sa mga eksperimento upang makagawa ng mga hula o mga prediksiyon hinggil sa kosmolohiya. Nagsusulat si Hawking ng maraming mga aklat pang-agham para sa madla, o mga taong hindi mga siyentipiko.

Si Hawking ang propesor na Lucasian ng matematika sa Unibersidad ng Cambridge sa loob ng 30 taon mula 1979 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 2009. Ang posisyong ito ang dating hinawakan ni Isaac Newton.[1] Siya ay kasalukuyang Direktor ng Pananaliksik sa Centre for Theoretical Cosmology sa departamento ng Nilalapat na Matematika sa Unibersidad ng Cambridge. Siya ay isa ring kapanalig(fellow) ng mga kolehiyong Gonville at Caius sa Cambridge at Natatanging Puno ng Pananaliksik sa Perimeter Institute for Theoretical Physics sa Waterloo, Ontario, Canada. Siya ay kilala sa kanyang mga kontribusyon sa kosmolohiya at kwantum na grabidad lalo na sa konteksto ng mga itim na butas. Siya ay nagkamit rin ng tagumpay sa mga akda ng kilalang agham (popular science) kung saan kanyang tinalakay ang kanyang sariling mga teoriya at ang kosmolohiya sa pangkalahatan. Eto ay kinabibilangan ng pinakamahusay na nabebentang(bestseller) aklat na A Brief History of Time (Ang Maikling Kasaysayan ng Panahon) na nanatili sa listahan ng mga mga mahusay na nabebenta ng Britanikong Sunday Times sa makabasag na rekord na 237 linggo.

Ang mga mahahalagang akdang siyentipiko ni Hawking sa kasalukuyan ay kinabibilangan kasama ni Roger Penrose ng pagbibigay ng mga teorema ukol sa grabitasyonal na singularidad sa balangkas ng pangkalahatang relatibidad at ang teoretikal na prediksiyon na ang mga itim na butas ay naglalabas ng radiasyon na kilala ngayon bilang radiasyon ni Hawking(o minsan ay radiasyong Bekenstein-Hawking).

Si Hawking ay dumadanas ng sakit na amyotrophic lateral sclerosis (ALS) at dahil dito siya ay hindi makagalaw o makapagsalita ng mabuti. Naging malala ang sakit sa paglipas ng mga taon at halos paralisado na siya ngayon. Gumagamit siya ng silyang may gulong upang makakilos, at ng isang kompyuter na may Intel na nagsasalita para sa kanya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Stephen Hawking's Universe". PBS Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-20. Nakuha noong 2008-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SiyentipikoMatematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Kategory:Mga pisikong teoretjkal