Tammuz (Diyos)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Tammuz (Siryako: ܬܡܘܙ; Hebreo: תַּמּוּז‎, Hebreong transliterasyon: Tammuz, Hebreong Tiberiano: Tammûz; Arabe: تمّوزTammūz; Turko: Temmuz; Akkadiano: Duʾzu, Dūzu; Sumeryo: Dumuzid (DUMU.ZI(D), "matapat o tunay na anak na lalaki") ay ang pangalan ng isang Sumeryong Diyos ng pagkain at mga halaman. Siya ay kalaunang sinamba sa Akkad, Assyria at Babilonya. Si Tammuz ay nagmula bilang Sumeryong Diyos na Pastol na si Dumuzid o Dumuzi na konsorte ni Inanna. Si Tammuz ay isang taunang Diyos na namamatay at nabubuhay. Siya ay ipinadala sa mundong ilalim upang mapalaya si Inanna. Si Tammuz ay muling nabubuhay sa 6 na buwan kada taon.[1]

Sa kalendaryong Babilonyo, ang buwan ng Tammuz ay itinatag bilang parangal sa Diyos na si Tammuz. Ang Buwan ng Tammuz sa Hebreo ay nagmula sa buwan ng Tammuz ng kalendaryong Babilonyo.

Si Tammuz ay binanggit sa Bibliya sa Aklat ni Ezekiel 8:14-15.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]