Pumunta sa nilalaman

Tiyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tiyuhin)

Ang tiyo o tiyuhin (Ingles: uncle, Latin: avunculus o "maliit na lolo" at kaugnay ng avus o "lolo") ay isang katawagan ng isang pamangkin para sa kapatid na lalaki ng isang magulang o para sa asawa ng isang kapatid na babae ng isang magulang. Katumbas ito ng tiya, kung babae. Ginagamit din itong pamagat ng paggalang o taguring may paggalang ng mga bata para sa mga nakatatanda o matatanda[1], halimbawa na bilang pangtawag sa mas nakatatandang mga pinsan, mga kapitbahay, mga kaibigan, o maging para sa mga hindi nakikilalang mga tao. Isa rin itong katawagang pangkarangalang ibinibigay sa ibang tao. Katumbas ito ng amain, kaka, tito, o mama (hindi ang ina).[1], bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate).[2] Ngunit bilang panturing sa tiyo o tiya, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiyo o tiya.[2] Maaari rin itong maging panawag para sa isang taong tagapayo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Uncle, amain, kaka, tito, mama, tagapayo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Ayon sa paliwanag para sa kaka na nasa ilalim ng salitang tiya: ginagamit ang kaka para sa nakatatandang tiya o tiyo, elder aunt or uncle". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1443.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.