Voltes V

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Voltes V
超電磁マシーン ボルテスV
(Super Electromagnetic Machine Voltes V)
Genre Mecha, Drama, Super Robot
Manga
Tagalikha Tadao Nagahama, Saburo Yatsude
Telebisyong Anime
Studyo Sunrise
Istasyon Watawat ng Japan TV Asahi
Ang Portada ng Anime at Manga


Ang Chōdenji Machine Voltes V (超電磁マシーン ボルテスV Chōdenji Mashīn Borutesu Faibu?, Super Electromagnetic Machine Voltes Five) ay isang seryeng anime na gawa ni Tadao Nagahama para sa telebisyon at unang lumabas sa TV Asahi noong 6 Abril 1977. Naisalin ito sa Ingles at naipalabas sa Pilipinas simula noong 4 Hunyo 1977 hanggang 25 Marso 1978. Pangalawang bahagi ito ng trilohiyang Robot Romance, at tinuturing na pagbibigay-buhay muli ng nakaraang serye, ang Choudenji Robo Combattler V.

Ito ang isa sa mga pinakatanyag na seryeng Hapon na super robot sa Pilipinas. Bagaman, nagkaroon ng intriga politikal at kontrobersiya pagkatapos ipagbawal ito ng dating Pangulong Marcos.

Ngunit pagkatapos na mapatalsik si Marcos noong 1986, naipalabas muli ito sa telebisyon. Noong huling bahagi ng dekada 1990, naging popular uli ito sa pamamagitan ng Bubble Gang nang gawing pambungad na awit ng "Ang Dating Doon" segment ang awiting tema (theme song) ng Voltes V. At dahil dito ipinalabas ito ng GMA Network at naging daan ng anime boom sa Pilipinas noong mga panahon na iyon.

Balangkas ng kuwento[baguhin]



Sa isang panahon sa hinaharap, sinakop ang Daigdig ng isang hukbo ng mga mukhang-taong may-sungay na dayuhang mula sa kalawakan na kilala bilang mga Boazanian na pangunahing kinakalaban ang bansang Hapon. Kung hindi dahil sa nataong paggawa sa huling pang-depensang robot, ang Voltes-V, nawasak sana ng tuluyan ang bansang Hapon. Sang-ayon sa kuwento, nilikha si Voltes V ng isang koponan na kabilang sina Dr. Ned Armstrong, Dr. Marianne Collins-Armstrong at dalawang katiwalang kasama, Dr. Richard Smith, at Dr. Hook. Magkakahiwalay na mga sasakyang ang robot ng Voltes V na nabubuo sa isang robot at pinipiloto nina Steve Armstong, Big Bert Armstrong, Little John Armstrong, Jaime Robinson, at Mark Gordon. Ama nina Steve, Big Bert at Little John si Dr. Ned Armstron. Ama naman ni Jamie si Commander Robinson, ang Supreme Commander-General ng UN, samantalang isang cowboy na may talento si Mark na napasama sa serbisyo.

Ang Camp Big Falcon ang home base ng Voltes V, isang fortress na matatagpuan sa hugis-ibon na pulo na malapit sa pampang ng bansang Hapon. Ang mga kalaban ni Voltes V ay mga Boazanian na pinamumunuan ni Prince Zardoz at kanyang mga tagapayo na sina, Zandra, Draco, at Zuhl. Nakatuon ang kuwento sa paghahanap ng mga magkakapatid na Armstrong sa kanilang amang si Dr. Ned Armstrong. Habang sumusulong ang kuwento, dalawang pangunahing mga tauhan ang namatay, sina Dr. Smith at Zuhl. Napalitan sila ng dalawang bagong tauhan sina Dr. Hook at si Belgan. Nang matatapos na ang serye, napag-alaman ng mga magkakapatid ang kanilang naiibang pinanggalinan, na mga may lahing tao at lahing Boazanian sila. Naramdaman nila na dapat nilang bigyan pansin ito kung paano makakaapekto ito sa kanilang buhay sa gitna ng kanilang malalapit na kaibigan at mga kasama. Nalaman din nila na kapatid nila ang Boaznian na si Prince Zardoz sa unang asawa ni Dr. Ned Armstrong.

Mga nagboses[baguhin]

Mga nagboses sa wikang Hapon[baguhin]

  • Kazuyuki Sogabe (曽我部和恭) bilang Ippei Mine (峰一平)
  • Miyuki Ueda (上田みゆき) bilang Megumi Oka (岡めぐみ)
  • Noriko Ohara (小原乃梨子) bilang Hiyoshi Gou (剛日吉)
  • Osamu Ichikawa (市川治) bilang Prince Heinel(プリンス・ハイネル)
  • Tessho Genda (玄田哲章) bilang Daijiro Gou (剛大次郎)
  • Yukinaga Shiraishi (白石ゆきなが) bilang Kenichi Gou (剛健一)
  • Hiroshi Masuoka (増岡弘) bilang Zuul (ズール)
  • Mikio Terashima (寺島幹夫) bilang Emperor Zu Zanzibal (皇帝ズ・ザンバジル)
  • Noriko Ohara (小原乃梨子) bilang Katherine (カザリーン)
  • Seizo Katou (加藤精三) bilang Hamaguchi (浜口博士)
  • Shozo Iizuka (飯塚昭三) bilang Jangal (ルイ・ジャンギャル)
  • Tamio Oki bilang Professor Sakunji (左近寺博士)
  • Nihei Hideo (二瓶秀雄) bilang Dr. Go Kentarou (剛健太郎 - 1st voice)
  • Yuu Mizushima (水島裕) bilang Dr Kentaro Go / Ragooru (剛健太郎 / ラ・ゴール - 2nd voice)
  • Hiroshi Masuoka (増岡弘) bilang General Oka (岡防衛長官)
  • Junko Hori (堀絢子) bilang Takko (タッコ)
  • Kenji Utsumi (内海賢二) bilang General Bergan (ド・ベルガン)
  • Ryusuke Shiomi (塩見竜介) bilang General Gurul (グルル将軍)
  • Tamio Oki (大木民夫) bilang Duke Zaki (ザキ侯爵)
  • Tamio Oki (大木民夫) bilang Dr. SAKUNJI (左近寺博士)
  • Keiko Yokozawa (横沢啓子) bilang Rozaria (ロザリア)
  • Daisuke Maki (槇木大輔) bilang Narrator (ナレーター)

Awiting tema ng Voltes V (テーマ曲)[baguhin]

Pagbungad na awit ng Voltes V

Pagbungad na awit: (オープニング テーマ)

Pangwakas na awit: (エンディング テーマ)

  • 「父をもとめて」(Chi Chi Wo Motomete/Tagalog; Ang Paghahanap Sa Ama/Sebwano; Ang Nasayran Sa Amahan/Hiligaynon; Ang Pangitaon Sa Amay)
  • Ichiro Mizuki (水木一郎) at Koorogi 73 (こおろぎ'73)

Mga kaugnay palabas[baguhin]

Lahat sa wikang Ingles: