Pumunta sa nilalaman

Ang Isang Libo't Isang Gabi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1,001 Nights)

Ang Kitāb ʾAlf layla wa-layla (كتاب ألف ليلة وليلة‎; Ingles: One Thousand and One Nights; tuwirang salin: Ang Isang Libo't Isang Gabi), kilala rin sa Ingles bilang The Arabian Nights' Entertainment (tuwirang salin: Arabong mga Gabi ng Paglilibang), ay ang 1,001 kuwentong isinalaysay ni Sharazad sa loob ng 1,001 gabi upang maligtas ang kanyang sarili mula sa kamatayan. Inilahad ito ng prinsesang naging reyna at asawa ni Shahryar, isang haring nahumaling sa pagpapatay ng asawa at susundan pagkatapos ng pagpapakasal sa ibang babae. Mga tradisyonal ang mga kuwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang Silangan at Dulong Silangan. Nasa Arabe ang unang nakasulat na kopya na nagawa noong mga 1000 AD. Kabilang sa mga kuwento ang Sindbad ang Mandaragat at Aladdin.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Told Stories for 1,001 Nights?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 74.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.