Pumunta sa nilalaman

9-1-1 (Pilipinas)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1-1-7)
Kilala ang pambansang bilang pantelepono sa aberya ng Pilipinas bilang "Patrol 117", na unang ginamit ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas at ng Foundation for Crime Prevention.

Ang 9-1-1 ay ang pambansang bilang pantelepono sa aberya ng Pilipinas. Ang pambansang bilang pantelepono sa aberya noon ay 1-1-7, at ito ay nabago noong 2016. Nasa pamamahala ito ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at kinikilala rin ito sa opisyal na pangalan nito, Emergency Network Philippines (ENP). Kolokyal rin itong tinatawag na Patrol 911 (Patrol 117 noon), ang pangalang ginagamit ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, kung saang nanggaling ang bilang pantelepono. Ito ay ang nag-iisang bilang pantelepono sa aberya sa mundo na maaabutan sa pamamagitan ng boses (regular na teleponiya) at mabilisang pagmemensahe.

Mula sa pagtatag nito noong 2003, ang mga sentrong pantawag (call center) ng 9-1-1 sa buong bansa ay nag-asikaso sa 15 milyong tawag. Gayunpaman, ang nakakarami sa mga tawag patungong 9-1-1 ay mga biruang tawag (prank call). Dahil dito, inaanyahan ang mga pamahalaang lokal ng DILG na magpasa ng ordinansa na nagbibigay-parusa sa mga taong gumagawa ng biruang tawag sa 9-1-1.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "DILG's PATROL 117 PROGRAM EXTENDS ASSISTANCE TO 184,000 EMERGENCY CALLS" (Nilabas sa mamamahayag). Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. 16 Nobyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-28. Nakuha noong 2008-10-26.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.