2013 Pagbaha sa Tsina at Rusya
Petsa | 10 Agosto 2013 | –present
---|---|
Lugar | Heilongjiang, Jilin, Liaoning Amur, Khabarovsk |
Mga namatay | 85 patay, 105 nawawala, 860,000 inilikas |
Danyos sa ari-arian | $2.6 bilyong Dolyar 37 milyong katao ang naapektuhan[1] |
Sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto 2013 ilang parte ng Silangang Rusya at Hilagang-Silangang Tsina ang tinamaan ng matinding pagbaha. Hindi baba sa 85 katao ang nasawi at mahigit 105 ang nawawala ayon sa huling tala noong Agosto 19.[2] Mahigit 60,000 mga kabahayan ang nasira at 840,000 kataao ang inilikas sa probinsiya ng Heilongjiang, Jilin, at Liaoning dahil sa baha ito ay kasabay na nangyari sa Katimugang Tsina sa probinsiya ng Guangdong.[3][4]
Pagbaha at mga Nasira
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula katapusan ng Hulyo hanggang kalagitnaan ng Agosto 2013, ang di-pangkaraniwang pag-ulan ang naranasan malapit sa Ilog ng Amur na naghihiwalay sa Tsina at Rusya. Simula noong ika-10 ng Agosto, ilang lugar sa Hilagang-Silangang Tsina ay nagsimulang makaranas ng pagbaha.[5] Noong Agosto 15 hanggang 17, matiniding pagbagsak ng ulan ang nagdulot at nagpalala ng sitwasiyon, ito ang pinakamatindig pagbaha sa rehiyon sa loob ng isang dekada.[2][6] Nankouqian Township, one of the hardest-hit areas, saw 44.9 centimetro (17.7 pul) of rain, half the average annual total, on Agosto 16 alone.[7] Noong Agosto 18, tumaas na ang tubig at nagtala ng "mapangib" na antas.Ang lungsod ng Fushun sa probinsiya ng Liaoning ang pinakanaapektuhan at dahil sa lakas ng ulan umapaw ang mga ilog.[6] Naiulat din ang pagbaha sa silangang Rusya at pinakamatinding naapektuhan ang Amur at Khabarovsk [5] Mahigit 140 bayan ang naapektuhan sa Rusya at sinabi ng mga awtoriadad na ito ang pinaka grabeng pagbahang naranasan sa loob ng 120 taon.[8] Ang Ilog ng Amur ay nagtala ng 100.56 metro (329.9 tal) antas ng tubig, tinaasan nito ang huling pinakamataas na antas noong 1984, at tuluyan pang tumaas noong Agosto 19, na nagiging panganib sa pangunahing mga lungsod ng Komsomolsk-on-Amur.[7][8]
Sa Tsina, mahigit 60,000 kabahayan ang nasira at ilang mga lansangan ang nagsara dahil sa pagkasira. Mahigit 787,000 hektaryang taniman ang nasira sa rehiyon.[2] Ilang bayan ang nawalan ng linya ng kuryente at komunikasyon.[6] Tinatayang 16.14 bilyong yuan (2.6 bilyong dolyar 0 1.94 bilyong euro) ang halaga ng nasira ng pagbaha.[2] Sa Rusya, 3.2 blyong billion rublo(tinatayang 97 milyong dolyar o 73 million euro) ang inilaan para sa tulong.[5]
Mga Nasawi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa probinsiya ng Liaoning sa Tsina kung saan pinkamatinding tinamaan, 54 ang naiulat na nasawi at 97 katao pa ang nawawala ayon sa huling tala noong 19 Agosto 2013. Sa probinsiya ng Jilin, 16 ang nasawi, samantalang sa probinsiya ng Heilongjiang 11 ang namatay.[7] Sa kabuuang rehiyon 360,000 katao ang inilikas at 3.74 milyon ang naapektuhan.[2] Walang naiulat na nasawi sa Rusya ngunit umabot sa 20,000 katao ang inilikas. Talawang oso ang nasagip gamit ang helikopter.[8]
Natanggap na Tulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Rusya, mahigit 30,000 mapagkawanggawa ang tumulong sa pamimigay ng 53 toneladang pagkain sa mga biktima ng baha.[8]
Nagpatawag ng "pangkalahatang pagtutulungan" si Xi Jinping ang Pangulo ng Tsina.[2] Mahigit 120,000 katao kabilang ang 10,000 sundalo ang tumulong sa mga nasalanta.[7]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Floods leave at least 107 dead in China", CNN, 20 Agosto 2013
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Xi demands all-out efforts to help flood victims". Xinhua. 19 Agosto 2013. Nakuha noong 19 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "More Than 200 Dead or Missing in China Floods", ABC News, 20 Agosto 2013
- ↑ "China floods death toll passes 150", Inquirer.net, 19 Agosto 2013
- ↑ 5.0 5.1 5.2 "China, Russia hit by severe floods". Deutsche Welle. 18 Agosto 2013. Nakuha noong 19 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "China floods death toll reaches 72". Times of India. PTI. 19 Agosto 2013. Nakuha noong 19 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 "Worst flood in decade causes havoc in NE China". Xinhua. 20 Agosto 2013. Nakuha noong 20 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 Saldava, Vitnija (19 Agosto 2013). "Flooding Forces 20,000 Russians From Their Homes". ABC News. AP. Nakuha noong 19 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)