Pumunta sa nilalaman

5 Centimeters Per Second

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
5 Centimeters Per Second
5 Sentimetro Kada Segundo
Logo ng pelikula sa Pransya.
秒速5センチメートル
DyanraDramang Romantiko
Pelikulang anime
DirektorMakoto Shinkai
ProdyuserMakoto Shinkai
IskripMakoto Shinkai
MusikaTenmon
EstudyoCoMix Wave Inc.
Lisensiya
Inilabas noong3 Marso 2007
Haba63 minuto
Nobela
KuwentoMakoto Shinkai
NaglathalaMedia Factory
Inilathala noong19 Nobyembre 2007
Manga
KuwentoMakoto Shinkai
GuhitSeike Yukiko
NaglathalaKodansha
MagasinAfternoon
DemograpikoSeinen
TakboHulyo 2010Hunyo 2011
Bolyum2
 Portada ng Anime at Manga

Ang 5 Sentimetro Kada Segundo (Hapones: 秒速5センチメートル, Hepburn: Byōsoku 5 Senchimētoru) ay isang 2007 Hapones na pelikulang anime na ginawa ni Makoto Shinkai. Natapos ang pelikula noong 22 Enero 2007.[2] Ipinalabas ang unang parte ng pelikula sa Yahoo! Japan bilang isang bidyong pang-stream para sa mga miyembro ng Yahoo! Premium simula noong ika-16 patungong 19 Pebrero 2007.[3] Noong 3 Marso 2007, ang buong pelikula ay ipinalabas sa Cinema Rise sa Shibuya, Tokyo.[4] Naglalaman ng tatlong parte ang pelikula: Seresang Namumulaklak (桜花抄, Ōkashō), Kosmonauta (コスモナウト, Kosumonauto), at 5 Sentimetro Kada Segundo (秒速5センチメートル, Byōsoku 5 Senchimētoru), katumbas ng isang oras. Katulad sa mga ginawa ni Shinkai, si Tenmon ang kumumpuni ng soundtrack. Ipinalabas ang DVD noong 19 Hulyo 2007. Ipinalabas rin ang isang nobela na 5 Sentimetro Kada Segundo, na nagpapalawak sa pelikula.[5] Ang Hulyo 2010 na isyu ng Afternoon, ay nagsimulang magseryalisa ng adaptasyon sa manga ng pelikula, na ginuhit ni Seike Yukiko.[6] Pinarangalan itong Best Animated Feature Film noong 2007 sa Asia Pacific Screen Awards.

Ang kwento ay naka-base sa bansang Hapon, nagsimula noong 1990s hanggang sa kasalukuyan (2007), kung saan lahat ng yugto ay nakasentro sa isang lalaking nagngangalang Takaki Tōno. Ang unang yugto ay nangyari noong araw na hindi pa gaanong sikat ang mga telepono at hindi pa naaabot ng e-mail ang buong masa.

Unang Yugto: Seresang Namumulaklak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mabilis na naging magkaibigan si Takaki Tōno at si Akari Shinohara pagkatapos nilang magkakilala sa kanilang paaralang pinapasukan. Nagkalapitan pa sila dahil sa parehong mga interes at pag-uugali; halimbawa, mas gusto nilang manatili sa loob ng klase tuwing reses dahil sa kanilang pana-panahong allergy. Bilang resulta, nakabuo sila ng matibay na pagsasama; nakikipag-usap rin sila sa isa't-isa gamit ang kanilang mga pangalan nang hindi gumagamit ng anumang panggalang, kung saan ito ay isang simbolo ng malalim na pagkakaibigan at kasanayan sa bansang Hapon.

Harapan ng Iwafune Station (kung saan dito binase ang karatula ng pelikula)

Pagkatapos magtapos mula sa elementarya, lumipat si Akari sa Tochigi, dahil sa trabaho ng kanyang mga magulang. Nakikipag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sulat, ngunit sa huli, tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon. Nang malaman ni Takaki na lilipat ang kaniyang pamilya sa Kagoshima, nagdesisyon siya na personal na makipagkita kay Akari, dahil mas lalayo pa sila sa isa't-isa pagkatapos niyang lumipat. Naghanda din siya ng isang sulat para kay Akari na naglalaman ng kanyang nararamdaman. Ngunit, nawala ni Takaki ang sulat habang bumabyahe at meron pang malubhang bagyong niyebe ang nagpapa-antala ng kanyang tren nang ilang oras. Nang magkita ang dalawa at unang beses na nakipaghalikan, napagtanto ni Takaki na hindi na sila magsasama. Habang istranded sa isang dampa dahil sa bagyong niyebe, nakatulog silang dalawa pagkatapos nilang makipag-usap nang matagalan. Umalis si Takaki sa sumunod na araw, at nangako ang dalawa na magpapadala ng sulat sa isa't-isa. Habang papaalis ang tren, nagdesisyon si Takaki na ang pagkawala ng kanyang sulat ay hindi na mahalaga pagkatapos ng halik, habang si Akari ay tahimik na binabasa ang kanyang sariling sulat na naka-adres kay Takaki.

Nakatane, Tanegashima, ang pangunahing tagpuan ng "Kosmonauta"

Pangalawang Yugto: Kosmonauta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Takaki ay nasa ikatlong taon na ng senior high sa Tanegashima, kung saan dito matatagpuan ang Tanegashima Space Center. Si Kanae Sumida, isang kaklase ni Takaki, ay nahulog ang loob sa kanya simula noong nagkakilala sila sa middle school, ngunit wala siyang lakas ng loob na aminin ang kanyang nararamdaman kay Takaki. Sinusubukan niyang magpalibas ng oras kasama siya, naghihintay pa siya pagkatapos ng school para sabay silang umuwi. Ngunit, lumilitaw na ignorante si Takaki sa mga nararamdaman ni Kanae at tinatrato lamang siya bilang isang mabuting kaibigan. Na-obserbahan ni Kanae na laging nagpapadala ng mga e-mail si Takaki o nakatulala lamang siya sa hangin na parang may hinahanap sa malayo. Ipinakita rin sa huli na ang mga e-mail ni Takaki ay hindi niya pinapadala, at lagi-lagi niyang pinapanaginipan si Akari. Pagkatapos niya mabigong sabihin na mahal niya si Takaki, natanto rin ni Kanae sa huli na hinahanap niya ang isang bagay na mas malaki pa sa kanyang ibinibigay at nagdesisyon siyang wag nalang, tinanggap niya nalang na lagi niyang mamahalin si Takaki.

Pangatlong Yugto: 5 Sentimetro Kada Segundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ngayon ay taong 2008. Si Takaki ay isa na ngayong computer programmer sa Tokyo, habang si Akari ay naghahanda na magpakasal sa ibang lalaki. Hinahangad pa rin ni Takaki si Akari hanggang sa masira ang kanyang buhay, kung saan pinipilit niya nalang tanggapin na ex-girlfriend niya nalang siya. Iniwan ni Takaki ang kanyang trabaho, sa kadahilanang hindi niya makontrol ang kanyang mga damdamin para kay Akari. Binalikan ni Akari ang kanyang mga lumang gamit at nakita niya ang isang sulat na naka-adress kay Takaki.

Isang araw habang naglalakad, biglang napadaan sina Takaki at Akari sa isa't-isa at bigla nilang naalala ang kanilang sarili sa harap ng tawiran ng tren, kung saan nagdesisyon silang manuod ng mga seresang namumulaklak labing-tatlong taon nang nakakalilipas, bago pa umalis si Akari patungong Tochigi. Sa magkabilaang gilid ng riles, napahinto sila at nagsimulang tumingin sa isa't-isa, ngunit hinaharangan ito ng mga dumadaan na tren. Naghintay si Takaki na mawala ang dumadaang tren at nakita niya na wala na si Akari. Pagkatapos ng sandaling iyon, ngumiti siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Takaki Tōno (遠野 貴樹, Tōno Takaki)
Binigyan ng boses ni: Kenji Mizuhashi (Hapones), David Matranga[7] (ADV), Johnny Yong Bosch (Bang Zoom!) (Ingles)
Si Takaki ang pinakasentrong karakter ng pelikula. Dahil sa trabaho ng kanyang mga magulang, napilitan siyang magpalipat-lipat ng tirahan. Siya at si Akari ay naging malapit na magkaibigan, ngunit nung umalis si Akari, magkaiba sila ng pinasukang junior high school. Sa pangalawang arko, ipinakita na isa siyang kyūdō praktisyuner at miyembro ng kyūdō club ng kanyang paaralan.
Akari Shinohara (篠原 明里, Shinohara Akari)
Binigyan ng boses ni: Yoshimi Kondō (Part 1) at Ayaka Onouei (Part 3) (Hapones), Hilary Haag[7] (ADV), Erika Weinstein (Part 1), Tara Platt (Part 3) (Bang Zoom!) (Ingles)
Mabuting kaibigan at mahal ni Takaki simula elementary school. Tulad ni Takaki, palipat-lipat din sila ng bahay. Pagkatapos ng elementarya, lumipat siya sa Iwafune. Sa totoo lang gusto niyang manirahan sa Tokyo kasama ang kanyang tiyahin at para na rin makasama si Takaki, ngunit ipinagbawal ito ng kanyang mga magulang. Pansamantalang nakikipag-usap siya kay Takaki sa pamamagitan ng mga padalang sulat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Discotek Media Licenses Lupin III Vs. Detective Conan, Library Wars, Sonic X, Giant Gorg Anime". Anime News Network.
  2. "第20回「完成?」 – 「秒速5センチメートル」公式ブログ – Yahoo!ブログ". Blogs.yahoo.co.jp. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Septiyembre 2011. Nakuha noong 24 May 2010. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. "Yahoo! JAPAN – 秒速5センチメートル". 5cm.yahoo.co.jp. 31 Hulyo 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2010. Nakuha noong 24 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Yahoo! JAPAN – 秒速5センチメートル". 5cm.yahoo.co.jp. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2010. Nakuha noong 24 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5 Centimeters Per Second (Hapones)
  6. "5 Centimeters Per Second Gets Manga Adaptation". Anime News Network. 24 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2011. Nakuha noong 26 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Martin, Theron (31 Marso 2008). "5 Centimeters Per Second DVD". Westmount: Anime News Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2010. Nakuha noong 25 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)