Pumunta sa nilalaman

Abante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abante: Una Sa Balita
UriArawang pahayagan,dyaryo
Pagkaka-ayosTabloid
Nagmamay-ariPrage Management Services
TagapaglimbagRenato M. Marfil
General managerGil C. Cabacungan, Jr.
News editorJeane Lacorte, Jose Randy Hagos, Elvira Altez, Fernando Jadulco, Dindo Matining, Jr. (Online)
ItinatagMayo 1987 (edad 37)
WikaTagalog
Himpilan3/F 3316 Karrivin Plaza Bldg., Chino Roces Avenue Extension,Makati City, Philippines
Websaytabante.com.ph

Ang pahayagang Abante ang nangungunang tagapaglathala ng balita sa Pilipinas. Itinatag ng yumaong beteranong mamamahayag na si Jake Macasaet, unang lumabas ang Abante noong Mayo 1987, isang taon matapos ang EDSA People Power Revolution. Makalipas ang dalawang taon, 1989, inilathala naman ang Abante Tonite[1], ang kapatid na pahayagan ng Abante.

Oktubre 2017 nang isailalim ang Abante sa pamamahala ng Prage Management Services[2], isang pangkat ng mga namumuhunan sa pangunguna nina dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Rey Marfil at dating Philippine Daily Inquirer senior reporter Gil Cabacungan Jr. 

Nakatuon ang bagong pamunuan ng Abante group sa lalo pang pagpapalakas at pagpapalaganap ng operasyon nito sa buong Pilipinas gayundin sa iba pang panig ng mundo sa pamamagitan ng online news website nitong abante.com.ph habang pinananatili ang mataas na antas ng integridad at ng kalidad sa pamamahayag. Ang abante.com.ph ang nangungunang all-Filipino news website, batay sa Alexa.com, isang online research platform sa ilalim ng amazon.com.

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-25. Nakuha noong 2021-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-20. Nakuha noong 2018-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)