Abelardo Aguilar
Itsura
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. |
Si Abelardo Aguilar (namatay 1993) ay isang doktor at siyentipikong Pilipino mula sa Iloilo na naka-diskubre (datapwat siya ay itinuturing na kasamang nakadiskubre) ng antibiyotikong erythromycin. Ipinadala niya sa kanyang amo na si Eli Lily noong 1949 ang mga sample mula sa Iloilo at nagawang maihiwalay ng mga tagasaliksik ni Eli Lily ang erythromycin mula sa mga metabolikong produkto ng Streptomyces erytheus na natagpuan sa mga sample na ipinadala ni Aguilar. Noong 1952, inilabas sa mga parmasiya sa Estados Unidos ang gamot bilang Ilosone, alang-alang sa lugar kung saan ito nagmula — sa Ilo-ilo. Ang erythromycin ay dati ring kilala bilang Ilotycin.