Abigail Keats
Abigail Keats | |
---|---|
Kapanganakan | Durban, Kwa-Zulu Natal, South Africa | 11 Nobyembre 1986
Edukasyon | SA London International School of fashion |
Kilala sa | Sophisticated contemporary |
Label | Abigail Keats |
Website | abigailkeats.com |
Si Abigail Keats ay isang South African fashion designer.
Pagkakakilanlan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Abigail Keats ay nag aral sa Dainfern College noong kanyang kabataan.[1] Kalaunan ay nagtapos siya SA London International School of fashion bilang isa sa pinakamagagaling na magaaral noong 2007. Inilunsad niya ang kanyang unang koleksyon sa Audi Fashion Week 2008 bilang bahagi ng Autumn/Winter New Generation Designer Show.
Mula noon ay ipinakita na rin niya ang kanyang mga koleksyon sa Joburg Fashion Week, Audi Fashion Week at Arise Africa Fashion week - AFI. Inimbitahan din si Keats sa New York City, London at Miami, at napili bilang "designer of the month" sa South African Elle magazine (Elle Magazine, June 2008, Vol 13 No 3, Page 38) at ang 'designer to watch' sa Cosmopolitan magazine at 'featured designer' sa life style magazine na Ray.
Kilalang Tatak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang mga istilo ni Keats bilang sopistikadong kontemporaryong anyo ng sining, kung saan ang mga inspirasyon ng damit na may pambabaeng pigura ay mga panlalaking kasuotan. Nais niyang maipahayag ang kapangyarihan ng isang babae sa kanyang mga koleksyon habang binigigyan diin din ang kagandahan ng pagkatao at anyo nito. Ang kanyang pagmamahal sa sining, pagpapahayag ng sarili at paglikha ay ang inspirasyon ng kanyang mga koleksyon.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Reperensya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Dainfern Alumnus launches her own Label". Dainferncollege.co.za. 3 Hunyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2013. Nakuha noong 8 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)