Absorbent
Itsura
Ang mga absorbent o absorbiyente, na nangangahulugang mga "sumisipsip", ay mga sustansiya o mga bagay na katulad ng espongha ay madaling sumipsip ng mga likido. Sa larangan ng medisina, ang isa sa pinaka mahalagang sustansiyang absorbiyente ay ang bulak na lana (cotton wool). Ang isa pang halimbawa ng absorbiyente ay ang uling na kahoy na nakasisipsip ng mga gas, na maaaring ibigay na papaloob sa isang pasyente upang lunasan ang pagkakaroon ng kabag dahil sa dyspepsia at iba pang mga kalagayan. Maaari ring ibudbod ang uling na kahoy sa ibabaw ng mabahong mga sugat o ilapat na parang panapal (poultice). Sa larangan ng anatomiya, ang katagang absorbent ay inilalapat sa mga lacteal at sa mga limpatiko.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Absorbent". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 8.