Acceptance sampling
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Hunyo 2017) |
Ang Acceptance Sampling ay isa sa tatlong metodo upang malaman kung tatanggapin o hindi ang isang production lot. Hindi ito nagbibigay ng anumang direktang pagkontrol sa kalidad ng mga produkto. Ang tanging layunin lamang ng acceptance sampling ay ang paghatol kung tatanggapin o hindi ang mga produkto.
Bagamat wala itong ibinibigay na direktang pagkontrol sa kalidad, isinasagawa naman ito upang bigyang proteksiyon ang tagagawa (producer) at ang mamimili (consumer).
Tatlong Metodo sa Paghatol ng Production Lot
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Pagtanggap ng walang inspeksiyon
- Ipinapalagay ng metodong ito na katanggap tanggap ang lahat ng mga produkto sa isang pagawaan. Maaari rin itong gamitin kung hindi makapamiminsala nang malaki ang anumang depekto sa isang produkto.
2. 100% inspeksiyon
- Sa ilalim ng metodong ito, bawat isang produktong nagagawa ay isasailalim sa inspeksiyon. Ginagamit naman ito kung malaki ang posibleng pinasalang maidudulot ng depekto sa isang produkto.
3. Acceptance Sampling
Ilang Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang acceptance sampling plan ay siyang naglalahad nga sample size na susundin at ang kaugnay na mga pamantayan ng pagtanggap at di pagtanggap.
Ang isang sampling scheme ay isang koleksiyon ng mga acceptance sampling plan kung saan iniuugnay ang lot sizes, sample sizes at mga pamantayan ng pagtanggap at di pagtanggap.
Ang isang sampling system ay ang pinag-isang koleksiyon ng mga sampling schemes.
Mga Uri ng Acceptance Sampling
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Single Sampling Plan
- Ito ay ang random na pagpili ng sample at ang paghatol sa isang lot depende sa sample na nakuha.
2. Rectifying Ispection
- Sa ilalim nito, kumukuha ng isang random sample mula sa isang lot. Hahatulan ang lot na ito depende sa pamantayang nakasaad sa sampling plan. Kung ito ay katanggap-tanggap ayon sa pamantayan, tatanggapin ito. Kung hindi naman ito katanggap-tanggap, sasailalim ang buong lot sa pagsasaayos upang maging katanggap-tanggap ang lahat ng produkto sa lot na ito.
- Isang mahalagang panukat ng kalidad ng isang lot matapos ang isang rectifying ispection ay ang average outgoing quality o AOQ.
- AOQ = ([(Pa) * p * (N - n)] / N)
- Kung saan,
- Pa = probabilidad na tanggapin ang sample
- p = porsyento ng lot na depektibo
- N = bilang ng produkto sa isang lot
- n = bilang ng produktong iniinspeksiyon sa bawat lot
- Mahalaga rin malaman sa isang rectifying inspection ang average total inspection per lot o ATI.
- ATI = n + [(1 - Pa) * (N - n)]
3. Double Sampling Plan
- Sa ilalim naman ng double sampling plan, binibigyan ng ikalawang pagkakataon ang isang lot na hindi tinaggap.
- May apat na parametro ang ganitong uri ng acceptance sampling.
- a. Sample size sa unang inspeksiyon, n1
- b. Pinakamataas na bilang ng depektibong produkto sa unang inspeksiyon, c1
- c. Sample size sa ikalawang inspeksiyon, n2
- d. Pinakamataas na bilang ng depektibong produkto sa una at ikalawang inspeksiyon, c2
- Sa unang inspeksiyon, kukuha ng n1 na sample mula sa isang lot. Kung ang bilang ng depektibong produkto sa sample ay mas mababa sa c1, tatanggapin ang lot. Kung c2 o higit pa rito ang depektibo, hindi na naman tatanggapin ang lot. Kung ang bilang naman ng depektibong produkto sa unang inspeksiyon sa sample ay mula c1 pataas ngunit mas mababa sa c2, kukuha ng ikalawang sample. Kaya tinawag ang uring ito na double sampling plan, dahil sa bibigyan pa ng ikalawang pagkakataong tanggapin ang isang lot.
- Sa ikalawang inspeksiyon, kukuha ng n2 na sample. Titignan kung ang suma ng bilang ng depektibong produkto sa una ang ikalawang inspeksiyon ay mas mababa sa c2. Kung gayon, tatanggpin ang lot. Kung c2 naman o higit pa rito ang suma
ng bilang ng depektibong produkto sa una at ikalawang inspeksiyon, hindi tatanggapin ang lot.
- Mahalaga malaman sa double sampling plan ang average sample number o ASN.
- ASN = n1 + [n2 * (1 - P1)]
- Kung saan,
- n1 = Sample size sa unang inspeksiyon
- n2 = Sample size sa ikalawang inspeksiyon
- p1 = probabilidad na humatol sa unang inspeksiyon (tinanggap man o hindi)