Akromegalya
Akromegalya | |
---|---|
Isang lalaking may akromegalya. Ang noo ay mas malaki o mas makapal kaysa normal na tinatawag na frontal bossing o "pag-umbok na paharap" (pag-umbok ng bungo). | |
Espesyalidad | Endokrinolohiya |
Ang akromegalya (Ingles: acromegaly) ay isang kalagayang medikal na nangyayari kapag ang anteryor (panlikod) na glandulang pituitaryo ay gumagawa ng labis na growth hormone (GH, o "hormonang pampalaki"), pagkaraan na ang tao ay dumanas na ng pubertad. Kapag nangyari ito bago ang pubertad, nagdurulot ito nsa isang katayuan na tinatawag bilang higantismo. Maraming mga kundisong pangmedisina ang maaaring magsanhi na gumawa ang glandulang pitwitaryo ng sobrang mga hormonang pampalaki, ngunit ang pinaka pangkaraniwang sanhi ay ang tumor sa glandulang pitwitaryo na nakikilala bilang adenomang pitwitaryo.
Ang akromegalya ay karaniwang makikitang lumilitaw sa mga adultong nasa kalagitnaang edad, at maaaring magresulta sa malubhang pagkasira ng pigura, malubhang mga kalagayang nakakakumplika, at maagang pagkamatay kapag hindi nagamot. Mahirap na masuri ang akromegalya kapag nagsisimula pa lamang. Karaniwang hindi ito matatagpuan maliban na lamang kapag sumapit na ang 10 hanggang 12 mga tao pagkalipas na mag-umpisa ito. Ito ay kapag nagdulot na ito ng mga pagbabago sa hitsura ng isang tao, natatangi na sa kanilang mukha.[1]
Mga tanda at mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga sakit ng ulo
- Mga suliranin sa paningin
- Hirsutismo (sa mga babae): ang pagtubo ng buhok sa mukha.[2]
- Pag-umbok ng bungo (skull bossing o frontal bossing): ang buto sa ilalim ng noo ay nagiging mas malaki kaysa normal.
- Prognatismo: isang bahagi ng mukha ay mas umuusli kaysa normal, karaniwan na ang pang-ibabang panga.
- Kapaguran: madalas na mapagod ang tao.
- Altapresyon: mataas na presyon ng dugo.
- Mga acrochordon (skin tag, "pananda ng balat" o "etika ng balat"): maliliit na patubo na parang kulugo sa ibabaw ng balat na hindi nagiging kanser.
- Hiperhidrosis: kapag ang isang tao ay labis na nagpapawis.[3]
- Bromhidrosis: mabahong amoy ng katawan.
- Hepatomegalya
- Paglaki ng mga kamay at ng mga paa.
- Kardiyomiyopatya
- Kanser na koloniko (kanser sa colon)
Mga paliwanag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilirawan ni Pierre Marie ng Paris, Pransiya ang akromegalya noong 1886, kasama ang labis na pagtatrabaho ng pitwitaryo. Ang pangalang acromegaly ay nagpapahiwatig ng paghango sa paglaki ng mga sanga ng katawan. Ang mga paa, mga kamay, at ulo, partikular na ang pang-ibabang panga ay nagiging sobra sa laki. Ang abnormal na paglaki ng mukha ay dahil sa pagbabago sa nutrisyon na sanhi ng sakit ng glandulang nakikilala rin bilang katawang pitwitaryo. Bukod pa sa mga pagbabago sa buto, nakakasagabal din sa may sakit ang pananakit ng ulo at iba pang mga sintomas. Kung minsan, ang presyon o pagdiin ng paglaki ng pitwitaryo sa nerb na pangmata (optiko) ay nakapagdurulot ng seryosong pagkawala ng paningin. Nakakabuti sa ilang mga kaso ang pagtanggal ng thyroid. Sa iba naman, ang pagtanggal ng isang bahagi ng lumaking bahagi ng pitwitaryo ang nakakatulong. Ang paglulunos ay nakatuon lamang sa mga sintomas, subalit hindi sa mga pagbabago sa buto.[4]
Kapag ang sobra ng hormonang pampalaki ng lobong anteryor ng pitwitaryo ay nagsimula sa pagkabata, bago pa man ang osipikasyon (pamumuo ng buto) ng mga dulo ng mahahabang mga buto, ang resulta ay ang higantismo.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Shlomo Melmed: The Pituitary, p. 433
- ↑ Androgen Excess Disorders in Women. Editor; Ricardo Azziz; p. 87 (Springer)
- ↑ Handbook of Growth and Growth Monitoring in Health and Disease. Editor: Victor R. Preed. p.124
- ↑ 4.0 4.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Acromegaly". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 15.
Talaaklatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Futcher, Palmer Howard. Giants and Dwarfs, Harvard University Press, 1933.
- Mark, Leonard. Acromegaly, a Personal Experience, London, 1912.