Adam Levine
Adam Levine | |
---|---|
Kapanganakan | Adam Noah Levine 18 Marso 1979 |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1994–present |
Asawa | Behati Prinsloo (k. 2014) |
Kamag-anak | Timothy Noah (tiyuhin) |
Karera sa musika | |
Genre | Pop rock |
Instrumento | |
Label | |
Website | maroon5.com |
Si Adam Noah Levine (ipinanganak Marso 18, 1979) ay isang mang-aawit, manunulat ng mga awitin, instrumentalista at aktor na Amerikano. Siya ang pangunahing bokalista ng Maroon 5, isang bandang pop rock[1][2] na mula sa Los Angeles.
Si Levine ay ipinanganak at lumaki sa Los Angeles, California. Sinimulan niya ang kaniyang karera sa musika noong 1994. Isa siya sa bumuo ng bandang alternative rock na pinangalanang Kara’s Flowers, kung saan siya ang pangunahing bokalista at gitarista. Ang bandang ito ay naghiwalay din matapos mailabas noong 1997 ang kanilang nag-iisang album, The Fourth World, na hindi naman sumikat. Noong 2001, muling nabuo ang banda – kasama ang bagong gitarista na si James Valentine – bilang Maroon 5 at nagumpisa ng bagong kabanata sa musika. Noong 2002, inilabas nila ang kanilang unang album, Songs About Jane, na naging multi-platinum sa Estados Unidos. Matapos noon ay nakapaglabas sila ng apat pang mga album: It Won't Be Soon Before Long (2007), Hands All Over (2010), Overexposed (2012) at V (2014). Bilang isang miyembro ng Maroon 5, si Levine ay nakatanggap ng tatlong Grammy Award, dalawang Billboard Music Award, dalawang American Music Award, isang MTV Video Music Award at isang World Music Award.
Simula noong 2011, si Levine ay nagsilbing coach (tagapagsanay) sa The Voice, isang [[reality television|reality talent show ng NBC. Ang mga nanalo noong una at ikalimang season, sina Javier Colon at Tessanne Chin, ay galing sa kaniyang pangkat. Noong 2012, siya ay naging aktor matapos niyang gumanap bilang isang regular na karakter sa ikalawang season ng katatakutang palabas sa telebisyon: ang American Horror Story: Asylum. Siya rin ay gumanap sa mga pelikulang Begin Again, Morality, at Principles in Exchange for Money Tour.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Adam Levine: The New King of Pop". Details. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-07-02. Nakuha noong 2015-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Adam Levine and Top Songwriters Honored at 61st Annual BMI Pop Awards". BMI.