Pumunta sa nilalaman

Adama Ndiaye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adama Paris during Fashion Week Nov 2016

Si Adama Amanda Ndiaye ay isang Senegalese fashion designer. Kilala rin siya sa tawag na Adama Paris, na siya ring pangalan ng kanyang sariling label. Ang kanyang mga obra, na ginawa sa Morocco, ay matatagpuan sa buong mundo, kabilang ang sa New York City, Tokyo, London at Paris. Siya ang kinikilalang nagpasimuno ng Black Fashion Week.

Si Ndiaye ay ipinanganak sa Kinshasa, Zaire,[1] ngunit sya ay lumaki sa Europa, kung saan ang kanyang mga magulang ay mga diplomat.

Kalaunan ay iniwan niya ang kanyang karera sa pagbabangko sa Europa upang ituloy ang pagdidisenyo sa kanyang sariling bansa. Ang Africa ay may mahabang kasaysayan ng disenyo, kaya nahirapan siyang makaipon ng kapital dahil narin sa mababang pagtanggap dito. Upang mas maipakilala ang disenyong Aprikano, inorganisa ni Ndiaye ang Dakar Fashion Week.

Noong 2012, ang ikasampung taon ng Dakar Fashion Week, nagawa nitong makahikayat ng tatlumpung taga-desinyo mula sa siyam na bansa sa Africa at Asia, na may mga manunuod na nagmula sa buong mundo. Nag-organisa din siya ng Black Fashion Week sa Prague, Czech Republic, at Bahia, Brazil.

Ang inspirasyon ng kanyang mga disenyo ay ang globalismo, kabilang na ang mga lungsod. Napansin ni Ndaiye na sa bansang Aprika, ay marami ang may pagtutol sa relihiyon na naging dahilan upang hindi magawa ng mga taga-disenyo ang kanilang propesyon. Nagpasalamat siya sa Senegal sa pagbibigay ng suporta. Nakipag-usap din siya, kasama ang iba pang mga taga-disenyo ng Africa, para sa mapataas ang pondo at magkaroon sila ng akses sa pautang mula sa pamahalaan upang pasiglahin ang pagbabago at paglikha ng trabaho sa industriya ng pagdidisenyo ng damit.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "BIOGRAPHIE "adama paris"". Nakuha noong Hunyo 28, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)