Pumunta sa nilalaman

Adbiyento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adbiyento
Pagsisindi ng mga kandila ng korona ng Adbiyento sa isang pagsamba sa simbahan
Ipinagdiriwang ngMga Kristiyano
UriKristiyano, pangkultura
KahalagahanPaghahanda para sa paggunita sa Kapanganakan ni Hesus
DalasTaunan

Ang Adbiyento o Pagdating ay ang apat na linggo ng paghahanda bago dumating ang araw ng Pasko sa pananampalatayang Kristiyano.[1] Pasimula ito ng taon ng liturhiya sa Kristiyanismong Kanluranin.

Nagmula ang pangalang Adbiyento sa salitang adventus, "pagdating" sa wikang Latin, na isinalin mula sa salitang parousia sa wikang Griyego. Sa Bagong Tipan, ginamit ang salitang ito para sa Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Kaya, inaasam sa panahon ng Adbiyento sa kalendaryong Kristiyano ang "pagdating ni Kristo" mula sa tatlong magkakaibang pananaw: ang pisikal na kapanganakan sa Belen, ang pagtanggap kay Kristo sa puso ng mananampalataya, at ang eskatolohikong Ikalawang Pagdating.[2]

Kabilang sa mga kaugaliang nauugnay sa Adbiyento ang mga kalendaryo ng Adbiyento, pagsindi ng korona ng Adbiyento, pagdarasal ng pang-Adbiyentong debosyon araw-araw,[3] pagtayo ng puno ng Pasko o puno ng Chrismon,[3] pagsindi ng Christingle,[4] pati na rin ang mga ibang paraan ng paghahanda para sa Pasko, kagaya ng pag-aayos ng mga palamuting pamasko,[5][6][7] isang kaugalian na ginagawa minsan sa liturhikal na paraan sa seremonya ng pagbitin ng mga halaman.[3][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "mula noong panahon ni Bernard ng Clairvaux (d.1153), natalakay ng mga Kristiyano ang tatlong pagdating ni Kristo: sa anyong tao sa Belen, sa ating mga puso araw-araw, at sa kaluwalhatian sa katapusan ng panahon (isinalin mula sa Ingles)" Pfatteicher, Philip H. (Setyembre 23, 2013). Journey into the Heart of God: Living the Liturgical Year [Paglalakbay sa Puso ng Diyos: Pamumuhay sa Taon ng Liturhiya] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780199997145 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Kennedy, Rodney Wallace; Hatch, Derek C (Agosto 27, 2013). Baptists at Work in Worship. Wipf and Stock Publishers. p. 147. ISBN 978-1-62189-843-6. May samu't saring mga gawain sa pagsamba para makapagdiwang ng Adbiyento ang isang kongregasyon: pagsindi ng korona ng adbiyento, pagbitin ng mga halaman, isang punong Chrismon, at isang pang-Adbiyentong buklet sa pagdarasal. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Geddes, Gordon; Griffiths, Jane (2001). Christianity. Heinemann. p. 99. ISBN 978-0-435-30695-3. Nagdaraos ang maraming simbahan ng Christingle tuwing Adbiyento. Binibigyan ang mga bata ng Christingle. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. The Lutheran Witness [Ang Saksing Luterano] (sa wikang Ingles). Bol. 80. Concordia Publishing House. 1961.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Michelin (10 Oktubre 2012). Germany Green Guide Michelin 2012–2013 (sa wikang Ingles). Michelin. p. 73. ISBN 9782067182110. Adbiyento – Ipinagdiriwang ang apat na linggo bago ang Pasko sa pagbibilang ng mga araw gamit ang kalendaryo ng adbiyento, sa pagsasabit ng mga palamuting pamasko at sa pagsindi ng karagdagang kandila bawat Linggo sa korona ng adbiyento na may apat na kandila. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Normark, Helena (1997). Modern Christmas [Modernong Pasko] (sa wikang Ingles). Graphic Garden. Sa Suwesya, nagsisimula ang Pasko sa Adbiyento, kung saan hinihintay ang pagdating ni Hesus. Ang simbolo para rito ang kandelero ng Adbiyento na may apat na kandila, at nagsisindi kami ng isa pang kandila para sa bawat isa sa apat na Linggo bago ang Pasko. Nag-uumpisa ang karamihan ng tao sa pagpapalamuting-pamasko sa simula ng Adbiyento. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rice, Howard L.; Huffstutler, James C. (Enero 1, 2001). Reformed Worship [Binagong Pagsamba] (sa wikang Ingles). Westminster John Knox Press. p. 197. ISBN 978-0-664-50147-1. Isa pang sikat na aktibidad ang "Pagbibitin ng Halaman," isang serbisyo kung saan pinapalamutian ang santuwaryo para sa Pasko.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)