Pumunta sa nilalaman

Adina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adina
BigkasAh D NA
KasarianBabae
(Mga) wikaHebreo
Pinagmulan
Kahulugan"Maganda"
"Kaakit-akit"
"Maselan"
"Balingkinitan"
"Pino"
"Malumanay"
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Adina sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Ang Adina ay isang pangalan mula sa Bibliyang Hebreo na nangangahulugang maselan ("delikado"), balingkinitan, pino, malamyos, o malumanay. Ang pinagmulan nito ay ang I Mga Kronika 11:42 kung saan sinasabing ito ang pangalan ng isang Reubenitong mandirigma na nasa hukbo ni Haring David at kilala dahila sa kanyang katapangan. Ang Reubenitong ito ay anak na lalaki ni Shiza ang Reubenito (na pinuno ng mga Reubenito), at [naging] kasama niya ang tatlumpung mga lalaki[ng tauhan] (Hebreo: עֲדִינָ֨א בֶן־שִׁיזָ֜א הָרֽאוּבֵנִ֗י רֹ֛אשׁ לָרֽאוּבֵנִ֖י וְעָלָ֥יו שְׁלֹושִֽׁים׃). Tipikal na Adina ang pambabaeng bersiyon ng pangalan; ang panlalaking bersiyon ay Adi o Adin.