Adlai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Adlai
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Pamilya: Poaceae
Subpamilya: Panicoideae
Sari: Coix
Espesye:
C. lacryma-jobi
Pangalang binomial
Coix lacryma-jobi
L.
Kasingkahulugan [1]
  • Coix agrestis Lour.
  • Coix arundinacea Lam.
  • Coix chinensis Tod.
  • Coix chinensis Tod. ex Balansa nom. illeg.
  • Coix exaltata Jacq. ex Spreng.
  • Coix gigantea J.Jacq. nom. illeg.
  • Coix lacryma L. nom. illeg.
  • Coix ma-yuen Rom.Caill.
  • Coix ouwehandii Koord.
  • Coix ovata Stokes nom. illeg.
  • Coix palustris Koord.
  • Coix pendula Salisb. nom. illeg.
  • Coix pumila Roxb.
  • Coix stenocarpa (Oliv.) Balansa
  • Coix stigmatosa K.Koch & Bouché
  • Coix tubulosa Hack.
  • Lithagrostis lacryma-jobi (L.) Gaertn.
  • Sphaerium lacryma (L.) Kuntze nom. illeg.
  • Sphaerium tubulosum (Warb.) Kuntze

Ang adlai o tigbi (coix lacryma-jobi) na kilala rin bilang job's tears sa wikang Ingles, ay matangkad, namumungang-butil, santauhang tropikal na halaman ng pamilyang Poaceae (pamilya ng damo). Katutubo ito sa Timog-silangang Asya at ipinakilala sa Hilagang Tsina at Indiya noong sinaunang panahon, at sa ibang lugar, nililinang sa mga hardin bilang taunang halaman. Naturalisado na ito sa timog-silangang Estados Unidos at sa tropiko ng Bagong Mundo. Sa katutubong kaligiran nito, itinatanim ito sa mga matataas na lugar kung saan hindi tumutubo nang maayos ang palay at mais.

May dalawang pangunahing baryante ng espesye, isang ligaw at isang nilinang. Ang ligaw na baryante, Coix lacryma-jobi bar. lacryma-jobi, ay may huwad na bunga na may matigas na balat—mga istrakturang napakatigas, parang perlas sa kaputian, at habilog na ginagamit sa paggawa ng rosaryo, kuwintas, at iba pang bagay. Ang nililinang baryante, Coix lacryma-jobi bar. ma-yuen ay inaani bilang pananim na binutil, may malambot na balat, at ginagamit panggamot sa ilang bahagi ng Asya.

Taksonomiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinangalan ang espesyeng katutubo sa Timog-silangang Asya,[2] ni Carl Linnaeus noong 1753. Ang bansag ay pagsasalin sa Latin ng matalinhagang luha ni Job. Magmula noong 2015, apat na baryante ang tinatanggap ng World Checklist of Selected Plant Families:[3]

  • Coix lacryma-jobi bar. lacryma-jobi
Malawak na naipamahagi mula Subkontinenteng Indiyo hanggang tangway ng Malaysia at Taiwan; naturalisado sa ibang lugar. Ang bunga nito ay hugis-itlog, mabuto at makintab. Matigas ang balat nito at ginagamit bilang abaloryo sa mga gawang-sining.
  • Coix lacryma-jobi bar. ma-yuen (Rom.Caill.) Stapf
Timog Tsina hanggang tangway ng Malaysia, at Pilipinas.
Nagmula ang pangalan ng baryante kay Heneral Ma Yuen o Ma Yuan (馬援) na natuto ng paggamit sa halamang ito habang nakaposte siya sa Cochinchina (o Tonkin na bahagi ng Biyetnam ngayon), at idinala niya ang mga binhi sa Tsina upang linangin.[4][5][6] Ang bunga nito ay tambilugin, magitgit, at malambot.
Assam hanggang Yunnan (Tsina) at Indotsina. Ito ang pinakamaliit sa mga espesyeng Indiyano, na may binhing may diyametrong 4mm lamang. Ginagamit din itong pampalamuti.
  • Coix lacryma-jobi bar. stenocarpa Oliv.
Silangang Himalayas hanggang Indotsina.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. The Plant List: A Working List of All Plant Species [Ang Talaan ng Halaman: Isang Working List ng Lahat ng Espesye ng Halaman] (sa Ingles), inarkibo mula sa ang orihinal noong 28 Marso 2018, nakuha noong 6 Agosto 2017
  2. Taylor, G.D. (Autumn 1953). "Some crop distributions by tribes in upland Southeast Asia" [Ilang pamamahagi ng pananim ng mga tribo sa kabundukan sa Timog Silangang Asya]. Southwestern Journal of Anthropology (sa Ingles). University of New Mexico. 9 (3): 296–308. doi:10.1086/soutjanth.9.3.3628701. JSTOR 3628701. S2CID 129989677.
  3. "Search for Coix lacryma-jobi" [Paghanap sa Coix lacryma-jobi]. World Checklist of Selected Plant Families (sa Ingles). Royal Botanic Gardens, Kew. Nakuha noong 2015-02-01.
  4. Simoons (2014), p. 82.
  5. Watt (1904), p. 194.
  6. Namba, Tsuneo [sa Hapones]; Fukuda (1980). Genshoku wakanyaku zukan 原色和漢薬図鑑 (sa Hapones). Bol. 1. Hoikusha. p. 132.