Pumunta sa nilalaman

Adolfo López Mateos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adolfo López Mateos
Pangulo ng Mehiko
Nasa puwesto
1 Disyembre 1958 – 30 Nobyembre 1964
Nakaraang sinundanAdolfo Ruiz Cortines
Sinundan niGustavo Díaz Ordaz
Personal na detalye
Isinilang26 Mayo 1909(1909-05-26)
Atizapán de Zaragoza, Estado ng Mehiko, Mehiko
Yumao22 Setyembre 1969(1969-09-22) (edad 60)
Lungsod ng Mehiko, Mehiko
KabansaanMehikano
Partidong pampolitikaPartidong Rebolusyonaryo Institusyonal
AsawaEva Sámano

Si Adolfo López Mateos[1] (26 Mayo 1909 – 22 Setyembre 1969) ay isang Mehikanong politiko na kaugnay sa Partidong Rebolusyonaryo Institusyonal (Institutional Revolutionary Party, PRI) na naglingkod bilang Pangulo ng Mehiko mula 1958 hanggang 1964. Bilang presidente, isinabansa niya ang mga kompanya ng kuryente, nilikha niya ang Komisyong Pambansa para sa mga Libreng Araling-Aklat (1959) at itinaguyod ang paglikha ng mga mahahalagang museo, katulad ng Museo ng Kasaysayang Likas at Museo ng Antropolohiya sa Lungsod ng Mehiko. Isa siyang propesor at direktor sa Pang-agham at Pampanitikang Panimulaan ng Toluca. Pinamunuan niya ang Partidong Rebolusyonaryo Institusyonal. Nagsilbi din siya bilang isang senador-pederal mula 1946 hanggang 1952, at ministro ng Gawain at Kabutihang Panglipunan mula 1952 hanggang 1958.[1]

Isinilang si López Mateos sa Atizapán de Zaragoza, isang maliit na bayan sa estado ng Mehiko, bagaman sa murang edad lumipat ang kaniyang mag-anak sa lungsod ng Mehiko dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama. Noong 1929, nagtapos siya mula sa Pang-agham at Pampanitikang Panimulaan ng Toluca, kung saan isa siyang delegado at pinunong mag-aaral ng Partidong Manggagawang Sosyalista (Socialist Labor Party). Noong taong iyon, sinuportahan niya ang pangangampanya sa pagka-pangulo ni José Vasconcelos, isang kandidato ng oposisyon; gumanap siya bilang isang tagapagtalumpati para sa kampanyang pampangulo ni Pascual Ortiz Rubio; at naglingkod sa ilang bilang ng mga posisyong burokratiko mula noon hanggang 1941, kung kailan nakapanayam niya si Isidro Fabela. Tinulungan siya ni Fabela na makamit ang isang posisyon bilang direktor ng Panimulaang Pampanitikan ng Toluca (Literary Institute of Toluca), sapagkat nagbitiw sa tungkuling iyon si Fabula upang sumali sa Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice). Nanilbihan siya hanggang 1952, kung kailan siya naging Sekretaryo ng Gawain (Secretary of Labor) sa ilalim ni pangulong Adolfo Ruiz Cortines. Noong 1958, nahalal siya bilang pangulo ng Mehiko, at naglingkod hanggang 1964. Sa buong buhay niya bilang isang taong nasa wastong edad, palagian siyang dinadalaw ng mga pananakit ng ulo, at napag-alamang mayroon siyang mga ilang anyurismong serebral. Makalipas ang ilang taong nahimlay na walang-malay (o nasa katayuang may koma), sumakabilang-buhay siya noong 1969.

Si López Mateos ang unang naging tagapangasiwa ng Organisasyong Komite ng pang-tag-init na Olimpiks ng 1968 at tumawag ng isang pagtitipon na naging sanhi ng pagkakalikha ng Konsehong Pandaigdig ng Boksing.

  1. 1.0 1.1 "Adolfo López Mateos". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]