Pumunta sa nilalaman

Adopsiyonismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang adoptionism (pagiging ampon) o adopsiyonismo (Espanyol: Adopcionismo) na minsang tinatawag na dinamikong monarchianismo ay isang paniniwala sa Sinaunang Kristiyanismo na si Hesus ay inampon bilang anak ng Diyos sa kanyang bautismo, muling pagkabuhay o pag-akyat sa langit. Ang adoptionismo ang isa sa maraming mga pananaw tungkol kay Hesus sa mga simulang siglo ng Kristiyano hanggang sa pananaig ng "ortodoksiyang" doktrina ng Trinidad ng ilang mga pangkat at indibidwal sa Konseho ng Nicaea bilang reaksiyon sa mga magkakatunggaling pananaw na ito sa Kristiyanismo. Ang adoptionismo ay malamang lumitaw sa mga sinaunang Hudyong-Kristiyano upang pagkasunuduin ang mga pag-aangkin na si Hesus ang Anak ng Diyos at ang striktong monoteismo ng Hudaismo kung saan ang konsepto ng Santisima Trinidad ng tatlong personang Diyos sa isang Diyos ay hindi katanggap tanggap sa mga ito. Ang mga sinaunang Ebanghelyong Hudyo-Kristiyano ay hindi nagbabanggit ng isang supernatural na kapanganakan ni Hesus. Sa halip, kanilang isinaad na si Hesus ay ipinanangak sa kanyang bautismo. Ayon sa salaysay ni Ephiphanius ng Salamis ng mga Ebionita, ang pangkat na Hudyo-Kristiyanong ito ay naniwalang si Hesus ay pinili dahil sa kanyang walang salang debosyon sa kalooban ng Diyos.[1] Ang adoptionismo ay dineklarang heresiya sa ikalawang siglo CE at itinakwil ng Unang Konseho ng Nicaea na naglarawan ng Trinidad bilang isang ortodoksiya na naglarawan sa taong si Hesus sa Kredong Niseno bilang ang walang hanggang ipinanganak na Anak o Salita ng Diyos.[2] Ang Ebanghelyo ng mga Hebreo ay hindi nagbabanggit ng isang kapangakang birhen ni Hesus at nang si Heus sy mabautismuhan ay nagsasaad na "Si Hesus ay umahon mula sa tubig, ang langit ay nabuksan, at kanyang nakita ang Banal na Espirtong bumababa sa anyo ng isang kalapati at pumasok sa Kanya. At isang tinig mula sa Langit ay nagsabing, "Ikaw ang aking minamahal na Anak. Sa iyo ako ay mahusay na nalulugod." At mulia, "Ngayong araw ay ipinanganak kita". Agad ay ang isang dakilang liwanag ay nagliwanag sa palibot ng lugar.[3][4][5] Nakikita ng ilang mga skolar ang konseptong Adoptionista sa Ebanghelyo ni Marcos sa mga sulat ni Pablo. Ang ilang mga sulat ni Pablo ay pinaniniwalaan ng mga skolar na ang pinakamaagang mga dokumentong Kristyano at mas naunang isinulat sa 4 na kanonikal na ebanghelyo(Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ang mga sulat ni Pablo ay hindi nagbabanggit ng isang birheng kapanganakan ni Hesus. Ang Hebreo 1:5 ay nagsaad ng "Ikaw ang aking Anak, ngayong araw ay ipinanganak kita". Ayon sa mga skolar, bagaman ang Marcos ay naglalarawan kay Hesus bilang ang Anak ng Diyos, ang mga reperensiyang umiiral sa mga puntong stratehiko sa Marcos 1:1(ngunit hindi lahat ng bersiyon), Marcos 5:7, Marcos 15:39, ang birheng Kapanganakan ni Hesus ay hindi pa napapaunlad o napapaliwanag sa panahon ng pagsulat ng Ebanghelyo ni Marcos na ayon sa mga skolar ang unang sa 4 kanonikal na ebanghelyong isinulat at pinagbatayan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. [6] Sa panahon ng pagkakasulat ng mga Ebanghelyo ni Mateo at Lucas, si Hesus ay inilarawan bilang ang Anak ng Diyos mula pa sa kanyang kapanganakan at ang huling kanonikal na ebanghelyong isinulat na Ebanghelyo ni Juan ay naglarawan kay Hesus bilang isang preeksisteng Logos na umiiral na sa pasimula.[7] Ang pariralang "Anak ng Diyos" sa Marcos 1:1 ay hindi matatagpuan sa ilang pinakamaagang manuskritong Griyego ng Marcos. [8] Ayon kay Bart D. Ehrman, ang pagiging walang ito ay sumusuporta sa nosyon na ang pamagat na "Anak ng Diyos" ay hindi ginamit kay Hesus hanggang sa kanyang bautismo. Ang kasulatang Ang Pastol ni Hermas ng ika-2 siglo CE ay nagturo rin na si Hesus ay isang matuwid na taong puspos ng Banal na Espirito at inampon bilang Anak ng Diyos.[9][10]Ang Pastol ni Hermas ay itinuring na kanonikal ng ilang mga ama ng simbahan gaya ni Irenaeus ng Lyons[11][12] Ang Pastol ni Hermas ay may malaking autoridad sa mga pamayanang Kristiyano sa ika-2 at ika-3 siglo CE.[13] Ang Pastol ni Hermas at Sulat ni Barnabas ang dalawang mga hindi kanonikal na aklat na nakasama sa Bagong Tipan ng Codex Sinaiticus na pinakamaagang manuskrito na naglalaman ng 27 aklat ng Bagong Tipan . Ito ay itinala rin sa pagitan ng Mga Gawa ng mga Apostol at Mga Gawa ni Pablo sa talaang stikometrikal ng Codex Claromontanus. Itinaguyod rin ni Pablo ng Samosata na Patriarka ng Antioch ang adoptionismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Epiphanius of Salamis (403 CE). pp. 30:3 & 30:13. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong); Missing or empty |title= (tulong)
  2. Harnack, Adolf Von (1889). History of Dogma.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Epiphanius, Panarion 30:13
  4. James R. Edwards, The Hebrew Gospel & the Development of the Synoptic Tradition, Wm. B. Eerdmans Publishing Co. 2009, pp. 1–376
  5. Pierson Parker A Basis for the Gospel According to the Hebrews Journal of Biblical Literature, Vol. 59, No. 4 (Dec., 1940), pp. 471.
  6. Witherington, Ben (2006). What Have They Done With Jesus?. San Francisco: Harper Collins. p. 7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ehrman, Bart (1996). The Orthodox Corruption of the Scripture. New York: Oxford University Press. pp. 74–75.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Metzger, Bruce (1996). A Textual Commentary on the Greek New Testament. New York: United Bible Societies. pp. Mark 1:1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The Holy Pre-existent Spirit. Which created the whole creation, God made to dwell in flesh that he desired. This flesh, therefore, in which the Holy Spirit dwelt, was subject unto the Spirit, walking honorably in holiness and purity, without in any way defiling the Spirit. When then it had lived honorably in chastity, and had labored with the Spirit, and had cooperated with it in everything, behaving itself boldly and bravely, he chose it as a partner with the Holy Spirit; for the career of this flesh pleased [the Lord], seeing that, as possessing the Holy Spirit, it was not defiled upon the earth. He therefore took the son as adviser and the glorious angels also, that this flesh too, having served the Spirit unblamably, might have some place of sojourn, and might not seem to have lost the reward for its service; for all flesh, which is found undefiled and unspotted, wherein the Holy Spirit dwelt, shall receive a reward." [1]
  10. "Hermas never mentions Jesus Christ, or the Word, but only the Son of God, who is the highest angel. As holy spirit the Son dwells in the flesh; this human nature is God's adopted son" in, Patrick W. Carey, Joseph T. Lienhard (editors), Biographical Dictionary of Christian Theologians, page 241 (Greenwood Press, 2008). ISBN 0-313-29649-9
  11. Newadvent.org
  12. Davidson & Leaney, Biblical Criticism: p230
  13. "The Pastor of Hermas was one of the most popular books, if not the most popular book, in the Christian Church during the second, third and fourth centuries. It occupied a position analogous in some respects to Bunyan's Pilgrim's Progress in modern times." (F. Crombie, translator of Schaff, op. cit.).