Pumunta sa nilalaman

Adriana Sklenarikova

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adriana Sklenarikova
Si Adriana sa cannes film festival noong 2006
Kapanganakan (1971-09-17) 17 Setyembre 1971 (edad 53)
NasyonalidadSlovakian,  Pransiya
Ibang pangalanAdriana Sklenaříková (Czech)
TrabahoFashion model
aktres
Tangkad185 cm (6 tal 1 pul)
AsawaChristian Karembeu (k. 1998–2011)
Aram Ohanian (k. 2014–22)
Anak1

Si Adriana Sklenarikova (dati Karembeu; ipinanganak noong 17 Setyembre 1971) ay isang Slovak na Modelo at aktres.[1] Siya ay ang dating may hawak ng Guinness world record para sa pinakamahabang binti sa mga babaeng modelo (halos 1.24m).[1]

Si Sklenaříková ay ipinanganak sa Brezno, isang bayan sa gitnang Slovakia. Habang nag-aaral ng medisina sa Prague, pumasok si Sklenaříková at nanalo sa isang kumpetisyon sa pag-momodelo.[1]

Si Adriana sa NRJ Music Awards noong 2012

Noong 1998, tinanggap siya bilang isa sa mga modelo para sa kampanya ng Wonderbra.[2]

Noong 2005 ay nagtampok siya sa dokumentaryo ng Channel 5 TV na Bra Wars: Boom or Bust.[3]

Noong 2007 siya ang host ng Top Model sa Métropole 6.

Noong 2008 lumahok siya sa Rendez-vous en terre inconnue sa France 2.

Noong 2011 siya ay isang kalahok sa unang season ng Pranses na bersyon ng amerikng palabas na Dancing with the Stars.[4]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakilala niya ang Pranses football player na si Christian Karembeu sa isang flight mula Pransya papuntang Milan noong 1998, at ikinasal sila noong Disyembre ng taong iyon.[1] Noong 9 Marso 2011, sa isang panayam sa Pranses na magasin na Paris Match, ipinahayag ni Adriana na hiwalay na siya sa kanyang asawa.[5] Sinabi niya na ang mga dahilan ng paghihiwalay ay ang patuloy na pagkakalantad ng mag-asawa sa media at ang kanilang "hectic na pamumuhay" gayundin ang sobrang pagseselos ng kanyang asawa at "pagka-inis na makita nang mga litrato niya kasama ang ibang mga lalaki na lumalabas sa press at haka-haka na [siya] ay nagkaroon ng kalaguyo".[6]

Noong Hunyo 2014, pinakasalan siya ng negosyanteng Armenian na si Aram Ohanian, ang kanyang nobyo ng tatlong taon. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Monaco, at dinaluhan ng maraming mga artista;[7] noong Agosto 17, 2018 si Adriana ay naging ina ng isang anak na babae na nagngangalang Nina.[8] Noong Disyembre 2022, inihayag ni Adriana ang kanyang pangalawang diborsyo mula kay Ohanian.[9]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Adriana Sklenarikova modeling profile, The FMD-. "Adriana Sklenarikova Karembeu - Fashion Model | Models | Photos, Editorials & Latest News | The FMD". The FMD - FashionModelDirectory.com. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "BBC NEWS | Health | 'Wonderbras are safe' says Adriana". news.bbc.co.uk. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bra Wars: Boom or Bust (2005) - IMDb (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-05-05{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "DPG Media Privacy Gate". myprivacy.dpgmedia.be. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Exclusif Adriana Christian Karembeu séparation - people-match - ParisMatch.com". web.archive.org. 2012-09-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-20. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "France Today: Adriana and Christian Karembeu separate". web.archive.org. 2011-06-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-19. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Adriana Sklenarikova tied the knot with Armenian businessman Aram Ohanian" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Už 4-mesačná Nina má krásnu maminu! Takto si Sklenaříková užíva materstvo". Pravda.sk (sa wikang Eslobako). 2018-12-22. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Svetevity.sk - Adriana Sklenaříková sa druhýkrát rozvádza. Rozchod s marockým podnikateľom oznámila na sociálnej sieti". svetevity.sk (sa wikang Eslobako). 2022-12-28. Nakuha noong 2023-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikidata

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Adriana Sklenarikova sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.