African trypanosomiasis
African trypanosomiasis | |
---|---|
Trypanosoma forms in a blood smear | |
Espesyalidad | Infectious diseases |
Ang African trypanosomiasis[1][2] ay isang karamdamang endemiko sa Aprika[3] na dulot ng parasito sa tao at ibang hayop. Ito ay dulot ng parasitong Trypanosoma brucei.[4] Sa sakit na ito ang pasyente ay sumusulong na maging mas tamad at mas aantuk-antok.[3] May dalawang uri ng parasitong nagdudulot nito sa mga tao, ang Trypanosoma brucei gambiense (T.b.g. o Trypanosoma gambiense lamang[3]) at ang Trypanosoma brucei rhodesiense (T.b.r.).[2] Ang T.b.g. ang sanhi ng mahigit sa 98% ng mga naitalang kaso.[2] Ang dalawa ay karaniwang ihinahawa sa pamamagitan ng kagat ng mga may impeksiyon ng langaw na tsetse at pinaka karaniwang nasa mga lugar na nasa mga probinsiya.[2]
Sa umpisa, sa unang yugto ng karamdaman, may mga lagnat, pananakit ng ulo, pangangati, at pananakit ng kasu-kasuan.[2] Ito ay nagsisimuka sa isa hanggang tatlong linggo pagkalipas ng kagat.[5] Pagkalipas ng mga linggo hanggang mga buwan, ang pangalawang yugto ay magsisimula sa pagkalito, di magandang koordinasyon,pamamanhid at hirap sa pagtulog.[2][5] Ang pagkakatukoy ng sakit ay sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng parasite sa blood smear o sa likido sa kulani.[5] Ang lumbar puncture ay madalas na kinakailangan para matukoy ang kaibhan sa pagitan ng una at pangalawang yugto ng karamdaman.[5]
Ang pag-iwas sa paglala ng karamdaman ay may kinalaman sa screening (o pagpapasuri)ng populasyon na nanganganib sa pamamagitan ng mga pagsusuri ng dugo para sa T.b.g.[2] Ang pagkakagamot ay madali kapag ang karamdaman ay natukoy nang maaga at bago magkaroon ng mga sintomas sa mga nerbiyo.[2] Ang paggamot ng unang yugto ay paggamot ng pentamidine o suramin.[2] Ang paggamot ng ikalwang yugto ay sa pamamagitan ng eflornithine o ang kumbinasyon ng nifurtimox at eflornithine para sa T.b.g.[5] Kahit na ang melarsoprol ay mabisa para sa dalawa, ito ay karaniwang ginagamit lamang para sa T.b.r. dahil sa malulubhang di inaasahang nakakapinsalang epekto ng gamot.[2]
Regular na nagaganap ang karamdaman sa ilang rehiyon ng Sub-Saharan Africa, na may populasyon na nanganganib na humigit-kumulang na 70 milyon sa 36 na bansa.[6] Hanggang noong 2010, nagdulot na ito ng 9,000 na kamatayan, bumaba mula 34,000 noong 1990.[7] Ang tinatayang 30,000 na katao ay kasalukuyang may impeksiyon, na may 7000 na mga bagong impeksiyon noong 2012.[2] Ang mahigit sa 80% ng mga kasong ito ay nasa Democratic Republic of the Congo.[2] May tatlong malagap na outbreak ang naganap sa kasaysayan: isa ay mula 1896 hanggang 1906 na pangunahin ay sa Uganda at ang Congo Basin, at ang ikalawa ay noong 1920 at 1970 sa mga ilang African a bansa.[2] Ang mga ibang hayop, na tulad ng mga baka, ay maaaring nagdala ng karamdaman at nagkaimpeksiyon.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ibang tawag: African lethargy, sleeping sickness, Congo trypanosomiasis
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 WHO Media centre (Hunyo 2013). "Fact sheet N°259: Trypanosomiasis, Human African (sleeping sickness)".
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "African lethargy". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 20. - ↑ MedlinePlus Encyclopedia Sleeping sickness
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Kennedy, PG (Pebrero 2013). "Clinical features, diagnosis, and treatment of human African trypanosomiasis (sleeping sickness)". Lancet neurology. 12 (2): 186–94. PMID 23260189.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Simarro PP, Cecchi G, Franco JR, Paone M, Diarra A, Ruiz-Postigo JA, Fèvre EM, Mattioli RC, Jannin JG (2012). "Estimating and Mapping the Population at Risk of Sleeping Sickness". PLoS Negl Trop Dis. 6 (10): e1859. doi:10.1371/journal.pntd.0001859.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Lozano, R (Dis 15, 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010". Lancet. 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)