Pumunta sa nilalaman

Aida Cirujales

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aida Brosas Cirujales
Si Cirujales noong 2008
KapanganakanTiwi, Albay
Trabahoguro, manunulat
NasyonalidadFilipino
EtnisidadBikolano
KaurianTigsik
(Mga) kilalang gawaTigsik (NCCA, 2008)

Si Aida Brosas Cirujales, ipinanganak 5 Hunyo 1952 sa Tiwi, Albay, ay Bikolanong manunulat at dating guro sa isang pampublikong paaralan. Manunulat siya ng tigsik [bcl], rawitdawit [bcl], Balagtasan, Bikol debate, mga talumpati at liriko ng mga kanta. Kinikilala din siya bilang "Tigsik Queen" sa Camarines Sur. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Naga, Camarines Sur at nagturo hanggang sa magretiro sa Gainza Central School.

Siya ay naging finalist sa Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon [bcl] noong 2007. Siya ay naging manunulat ng tigsik sa Bikol Daily, sa Bicol Mail [bcl] sa programang "Sa Pagtabang Sana" sa DZGE sa Canaman, Camarines Sur, rawitdawit at Bikol debate sa programang "Taragboan" sa parehong estasyon.

Siya ang nagsulat ng himno munisipal ng Gainza at librong Tigsik na inilimbag ng National Commission for Culture and Arts [bcl] (NCCA) noong 2008. Miyembro siya ng Sumaro Bikolnon [bcl], isang organisasyong pangkultura sa Camarines Sur.

Hanay ng mga Larawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]