Pumunta sa nilalaman

Hukbong himpapawid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Air Force)
Apat na panlabang sasakyang panghimpapawid at isang sasakayang panghimpapawid na tanker ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos

Ang hukbong himpapawid – sa pinakamalawak na kahulugan – ay ang pambansang sangay ng militar na pangunahing nagsasagawa ng pakikidigma sa himpapawid.[1] Mas partikular, ito ang sangay ng mga serbisyong sandatahan ng isang bansa na responsable sa pakikidigma sa himpapawid bilang naiiba sa mga yunit na abyasyong hukbo o abyasyong hukbong-dagat. Tipikal, responsable ang hukbong himpapawid sa pagkuha ng kontrol ng himpapawid, na isinasagawa ang mga misyong estratihiko at taktikong pagbomba, at nagbibigay suporta sa mga puwersang panlupa at pandagat na kadalasan ay nasa anyong pagmamatyag sa himpapawid at malapit na suporta sa himapapawid.[2]

Maaring tumukoy din ang katawagang hukbong himpapawid sa isang taktikong hukbong himpapawid o ninumerong hukbong himpapawid, na isang pormasyong operasyonal na nasa loob ng isang pambansang hukbong himpapawid o binubuo ng ilang bahaging himpapawid mula sa mga bansang kakampi. Tipikal na binubuo ang mga hukbong himpapawid ng mga kombinasyon ng mga panlabang sasakyang panghimpapawid, pambomba, helikopter, sasakyang panghimpapawid na naghahatid, at iba pang sasakyang panghimpapawid. Maraming mga hukbong himpapawid ang maaring mag-utos at mag-kontrol ng ibang kagamitan ng puwersang depensa sa himpapawid tulad ng kontra-sasakyang panghimpapawid, artilerya, mga misil na lupa-tungong-himpapawid, o misil kontra-balistiko na mga nagbababala, at mga sistemang pandepensa. May mga hukbong himpapawid din na responsable sa mga operasyong pangkalawakang militar at mga misil balistikong interkontinental (ICBM). May ilang mga bansa, pangunahin yaong mga bansa na minodelo ang kanilang militar sa mga Sobyet, ay mayroon o nagkaroon ng isang depensang puwersa sa himpapawid na hiwalay sa hukbong himpapawid ayon sa pagkaorganisa nito.

Sa panahon ng kapayapaan o walang digmaan, maaring mapabilang sa mga aktibidad ng hukbong himpapawid ang pagpupulis ng himpapawid at ang pagsagip sa himpapawid-dagat.

Hindi lamang mga piloto ang mga nasa hukbong himpapawid, subalit umaasa din sila sa isang makabuluhang bilang ng suporta mula sa ibang trabahador upang gumana. Ang lohistika, seguridad, intelihensiya, natatanging mga operasyon, sibernetikong suporta sa kalawakan, pagpapanatili, mga pagkarga ng sandata, at marami pang ibang espesyalidad ay kailangan ng lahat ng hukbong himpapawid.

Sa Pilipinas, ang hukbong himpapawid nito ay ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na nagsimula bilang sangay ng Pulutong Himpapawid ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Monica, 1776 Main Street Santa; California 90401-3208. "Air Warfare". rand.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Air Force Reserve". afreserve.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "History of the Philippine Air Force | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-28. Nakuha noong 2023-09-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)