Aki Sora

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Aki Sora
あきそら
Ginintuang Langit
DyanraHarem, Incest
Manga
SumulatMasahiro Itosugi
NaglathalaAkita Shoten
MagasinChampion Red Ichigo
DemograpikoShōnen
TakboSetyembre 2008Abril 2011
Tomo6 (Talaan ng tomo)
Original video animation
DirektorTakeo Takahashi
SumulatJukki Hanada
EstudyoHoods Entertainment
Inilabas noongDisyembre 17, 2009
Haba25 minuto
Original video animation
Aki Sora ~Yume no Naka~
DirektorTakeo Takahashi
SumulatJukki Hanada
MusikaC-Clays
EstudyoHoods Entertainment
May lisensiya
Inilabas noongHulyo 30, 2010 – Nobyembre 17, 2010
Haba25 minuto bawat isa
Bilang2 (Talaan ng episode)
Portal-puzzle.svg Portada ng Anime at Manga

Ang Aki Sora (Hapones: あきそら, lit. Ginintuang Langit) ay isang Hapones na seryeng manga na isinulat at ginuhit ni Masahiro Itosugi. Una itong inilathala noong Setyembre 2008 ng Akita Shoten. Sinimulan itong iseryalisa sa ika-9 na bolyum at tinapos sa ika-25 na bolyum sa shōnen mangang magasin ng Akita Shoten na Champion Red. Isang adaptasyon sa OVA ng Hoods Entertainment ang inilabas kasama ang ika-3 bolyum ng manga noong Disyembre 17, 2009. May pangalawang adaptasyon sa OVA, tinatawag na Aki Sora ~Yume no Naka~ (あきそら~夢の中~) ang ipinalabas ng Pony Canyon sa dalawang parte; ang unang parte ay ipinalabas noong Hulyo 30, 2010, at ang pangalawang parte ay ipinalabas noong Nobyembre 17, 2010. Noong Abril 2011, inanunsyo ni Masahiro Itosugi na wala nang mga imprenta ng Bolyum 1 at 3 dahil sa Bill 156.

Balangkas[baguhin | baguhin ang batayan]

Simula pa kabataan, si Sora Aoi ay nakikipagpalit na ng salitang "Mahal kita" sa kanyang magandang nakakatandang kapatid na si Aki. Ngayon, habang siya'y nagiging binata, natagpuan niya ang kanyang sarili na nahihirapan na makipagpalit ng mga ganoong salita di tulad ng nakaraan. Nang ipinakita ni Aki ang kanyang damdamin sa kanyang kapatid na higit pa sa pagmamahal ng isang ate, natagpuan ni Sora ang kanyang sarili na nagtataka sa kanyang sariling damdamin tungo rin sa kanyang ate. Sa pagrereyalisa ng kanilang damdamin tungo sa isa't-isa, tinago nila ang kanilang pagmamahalan. Sa isang lipunan na hindi makakaintindi, kailangan nilang itago ang kanilang pagmamahalan mula sa ibang tao at sa kanilang pamilya. Ngunit, natagpuan ni Sora ang kanyang sarili na naghahanap ng iba't-ibang uri ng pag-ibig sa iba't-ibang uri ng babae na kanyang nakilala na hindi tanggap ng lipunan na nagdulot ng duda sa kanyang damdamin tungo sa kanyang ate.