Akihabara Radio Kaikan
Akihabara Radio Kaikan | |
---|---|
秋葉原ラジオ会館 | |
![]() Akihabara Radio Kaikan noong Hulyo 2014 | |
![]() | |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Tapos |
Uri | Gusaling Pangkomersyal |
Kinaroroonan | Chiyoda, Tokyo, Hapon |
Mga koordinado | 35°41′52″N 139°46′18″E / 35.69778°N 139.77167°EMga koordinado: 35°41′52″N 139°46′18″E / 35.69778°N 139.77167°E |
Natapos | Nobyembre 1962 (lumang gusali) |
Bukasan | 20 Hulyo 2014 | (bagong gusali)
May-ari | Akihabara Radiokaikan Co.,Ltd |
Taas | |
Bubungan | 46.5 m (153 tal) |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 10 |
Websayt | |
akihabara-radiokaikan.co.jp |
Ang Akihabara Radio Kaikan (秋葉原ラジオ会館 Akihabara Rajio Kaikan) ay isang gusaling pangkomersyal sa Tokyo at isa sa mga mas-kilalang tanawain sa distrito ng Akihabara. Ang pinakabagong gusali ay itinayo noong 2014, pagkatapos gibain ang lumang gusali noong 2011. Ang gusali ay may taas ng 46.5 m, sampung palapag mula sa unang palapag at may dalawang lebel para sa basement.[1][2][3] Ang kasalukuyang gusali ay pinamamahayan ng mga tindahan na pangunahing nagbebenta ng mga produktong pang-otaku.[2]
Ang lumang walong-palapag na gusali ay itinayo noong Nobyembre 1962 at naging unang high rise building sa Akihabara.[4] Ang gusali ay naging tahanan ng mga tindahang pang-elektroniko na nagbebenta ng mga parte at component. Pagkatapos maitatag ng kulurang otaku ang sarili nito sa Akihabara, ang mga tindahang pang-otaku ay lumipat sa Radio Kaikan.[2]
Noong 2010, ihinayag ang pagkabahala ukol sa katibayang pangistruktura ng lumang Radio Kaikan dahil sa edad ng gusali. Ang gusali ay ipinasara noong Agosto 2011 para sa paggigiba nito at isang bagong gusali ay itinayo sa lugar nito.[2]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "Akihabara Radio Kaikan is Finally Reopening on July 20". Tokyo Otaku Mode. 16 Mayo 2014. Nakuha noong 10 Marso 2015.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "The Face of Akihabara Has Returned! Radio Kaikan Grand Opening!". Tokyo Otaku Mode. 23 Hunyo 2014. Nakuha noong 10 Marso 2015.
- ↑ "ANIME NEWS: New modern Akihabara Radio Kaikan set to open doors in July". The Asahi Shimbun. 2 Hunyo 2014. Tinago mula sa orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong 10 Marso 2015.
- ↑ "Akihabara Radio Kaikan - Gallery". Akihabara Radio Kaikan (sa wikang Hapones). Tinago mula sa orihinal noong 2015-02-14. Nakuha noong 10 Marso 2015.