Aktinomikosis
Ang aktinomikosis (Ingles: actinomycosis) ay isang sakit na dahil sa pagtubo ng fungus na actinomyces o ray fungus sa sari-saring mga bahagi ng katawwan. Paminsan-minsan itong nagaganap sa tao at madalas sa mabababang mga uri ng mga hayop. Maaari itong makuha dahil sa pagnguya ng hilaw na mga butil o sa pamamagitan ng paglanghap ng alikabok kapag ginigiling ang mga butil. Karaniwan nitong nilulusob ang panga (kilala sa Ingles bilang jumpy jaw o "tumatalong panga"). Maaari rin nitong maapektuhan ang dila, mga baga (na nag-uudyok ng mga sintomas na katulad ng sa pagkatuyo o consumption), mga bituka, balat, at iba pang mga bahagi ng katawan. Nagpapalitaw ito ng talamak (hindi gumagaling) na mga pamamaga na maaaring maging nana. Lumalabas ito at ang parasito ay maaaring matagpuan sa loob nito kasama ng maliliit na dilaw na mga masang magaspang na katangian ng karamdamang ito. Kapag naapektuhan ang mahahalagang mga organo, nagiging masama ang kahihinatnan ng sakit.[1]
Pag-iwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga tao na humahawak ng mga butil na hilaw ay dapat na umiwas na ilagay ang mga ito sa kanilang bibig, at dapat na maghugas ng mga kamay bago kumain. Kapag nalantad sila sa alikabok habang nagbabayo o naggigiling, nagpipili, o nagtatahip, at iba pa, dapat magsuot ng mga respirador (isang aparato na isinusuot sa ibabaw ng bibig at ilong o ng buong mukha upang maiwasan ang paglanghap ng alikabok, usok, o ibang mga sustansiyang nakakalason), isang kanais-nais na pag-iingat dahil ang alikabok ay nakakairita sa mga baga.[1]
Paggagamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagbibigay ng lunas sa karamdaman ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaking dosis ng potassium iodide. Maaari ring maging kailangan ang operasyon.[1]