Pumunta sa nilalaman

Alanis Morissette

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alanis Morissette
Si Morissette nagtatanghal noong 2014
Kapanganakan
Alanis Nadine Morissette

(1974-06-01) 1 Hunyo 1974 (edad 51)
Mamamayan
  • Kanada
  • Estados Unidos
Trabaho
  • Mang-aawit
  • Manunulat ng awitin
  • Aktres
Aktibong taon1986–kasalukuyan
AsawaMario Treadway (k. 2010)
Anak3
Kamag-anak
  • Wade Morissette (kakambal)
Karera sa musika
Genre
Instrumento
  • Boses
  • gitara
  • harmonika
Label
  • MCA Canada
  • Maverick
  • Reprise
  • Warner Bros.
  • Collective Sounds
Websaytalanis.com

Si Alanis Nadine Morissette ( /əˈlɑːns ˌmɒrˈsɛt/ ə-LAH-niss-_-MORR; ipinanganak noong Hunyo 1, 1974) ay isang mang-aawit, manunulat ng kanta, musikero, prodyuser ng rekord, at artistang mamamayan ng Kanada at Estados Unidos.[1] Kilala sa kanyang emosyonal na mesosopranong boses pagsusulat ng awiting nangungumpisal, sinimulan ni Morissette ang kanyang karera sa Kanada noong unang bahagi ng dekada 1990 na may dalawang dance-pop na album.[2][3][4] Kilala din sa bansag na "reyna ng alt-rock angst",[5] nilabas niya noong 1995 ang Jagged Little Pill, isang album na alternatibong rock na may mga elemento ng post-grunge. Bumenta ito ng higit sa 33 milyong kopya sa buong mundo at ang kanyang pinaka-kritikal na kinikilalang gawa hanggang ngayon.[6][7][8][9] Naging isa ito sa mga pinakamabentang album sa kasaysayan at nakalista sa maraming talaan ng "pinakamahusay sa lahat ng panahon." Umani ito ng Gawad Grammy para sa Album ng Taon noong 1996 at ginawan ito ng musikal na rak na may parehong pangalan noong 2017, na umani ng labing-limang mga nominasyon sa Gawad Tony, kabilang ang Pinakamahusay na Musikal. Naitala din ang album sa mga edisyong 2003 at 2020 ng Gabay sa 500 Pinakamahalagang Album sa Lahat ng Panahon.[10] Ang pangunahing single, ang "You Oughta Know", ay napabilang din sa #103 ng 50 Pinakamahalagang Awitin sa Lahat ng Panahon.[11]

Nakapagbenta siya ng mahigit 60 milyong rekord sa buong mundo. Bukod sa Gawad Grammy ng Jagged Little Pill noong 1996, nasungkit pa niya ang anim pang Gawad Grammy. Kabilang sa iba pa niyang mga parangal ang isang Gawad Brit, labing-apat na Gawad Juno, at bukod sa Gawad Tony, nagkaroon din siya ng nominasyon para sa dalawang Gawad Golden Globe.

Bago sumabak sa musikang alternatibong rak, sinimulan ni Morissette ang kaniyang karera sa musika sa Kanada noong unang bahagi ng dekada 1990 sa pamamagitan ng dalawang album na dance-pop: Alanis (1991) at Now Is the Time (1992). Pagkatapos lumipat sa Los Angeles, inilabas niya ang ang album na alternatibong rak na Jagged Little Pill (1995). Sinundan niya ito ng Supposed Former Infatuation Junkie (1998), isang album na may mas eksperimento at kakaibang tunog . Sa parehong taon, nanalo ng dalawang Grammy Awards ang kaniyang awiting "Uninvited" para sa pelikulang City of Angels at nominado rin ito sa Golden Globe para sa Pinakamahusay na Orihinal na Awit.

Pagsapit ng 2002, kinuha ni Morissette ang buong kontrol sa malikhaing direksiyon at produksyon bilang nag-iisang prodyuser ng kaniyang ikalimang album na Under Rug Swept, na nagkamit sa kaniya ng Jack Richardson Producer of the Year Award (Gawad Jack Richardson para sa Prodyuser ng Taon). Ang kaniyang awiting "Wunderkind" para sa The Chronicles of Narnia: The Lion, the Witch and the Wardrobe (2005) ay nagbigay sa kaniya ng ikalawang nominasyon sa Golden Globe para sa Pinakamahusay na Orihinal na Awit. Nagpatuloy siya sa paggawa ng mga album tulad ng So-Called Chaos (2004), Flavors of Entanglement (2008), Havoc and Bright Lights (2012), Such Pretty Forks in the Road (2020), at The Storm Before the Calm (2022).

Hawak ni Morissette ang rekord para sa pinakamaraming numero uno sa lingguhang tsart na Billboard Alternative Songs (Mga Alterntibong Awit ng Billboard) sa mga babaeng soloista, lider ng grupo, o miyembro ng dalawahan.[12] Ang kaniyang unang tatlong album pang-istudiyo na inilabas sa pandaigdigang pamilihan ay nanguna sa Billboard 200, at ang sumunod na apat ay pumasok sa pinakamataas na 20.[13] Ang kaniyang mga pinasikat na awitin tulad ng "You Oughta Know," "Hand in My Pocket," "Ironic," "You Learn," "Head Over Feet," "Uninvited," "Thank U," at "Hands Clean" ay pumasok sa top 40 ng mga pangunahing tsart sa buong mundo. Itinuring siya ng VH1 bilang ika-53 sa pinakamagagaling na kababaihan sa rak en rol,[14] at noong 2005, siya ay isinama sa Walk of Fame (Lakad ng Katanyagan) ng Kanada.

Mga album

  • Alanis (1991)
  • Now Is the Time (1992)
  • Jagged Little Pill (1995)
  • Supposed Former Infatuation Junkie (1998)
  • Under Rug Swept (2002)
  • So-Called Chaos (2004)
  • Flavors of Entanglement (2008)
  • Havoc and Bright Lights (2012)
  • Such Pretty Forks in the Road (2020)
  • The Storm Before the Calm (2022)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Alanis Morissette becomes U.S. citizen". Today.com (sa wikang Ingles). Associated Press. Pebrero 17, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2021. Nakuha noong Oktubre 13, 2021. "I will never renounce my Canadian citizenship," Morissette said in a statement Wednesday. "I consider myself a Canadian-American.
  2. Pareles, Jon (Agosto 18, 1995). "POP REVIEW; A Good Girl Getting Good and Mad". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 25, 2017. Nakuha noong Enero 30, 2018.
  3. Sanders, Mark (Oktubre 11, 2012). "Alanis Morissette at the Paramount, 10/10/12". Westword (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 11, 2018. Nakuha noong Marso 10, 2018.
  4. Allen, Eric (Setyembre 5, 2012). "Alanis Morissette: Havoc and Bright Lights". American Songwriter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 11, 2018. Nakuha noong Marso 10, 2018.
  5. "Alanis Morissette Biography". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 23, 2018. Nakuha noong Agosto 23, 2017.
  6. "Alanis Morissette: You ask the questions". The Independent (sa wikang Ingles). London. Abril 21, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2011. Nakuha noong Abril 23, 2010.
  7. "Alanis Ties For Highest-Selling Debut Ever". Rolling Stone. Agosto 5, 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2012. Nakuha noong Abril 19, 2022. Morissette's 1995 bow is now tied with Boston's self-titled 1976 album as the best-selling debut of all time
  8. Caulfield, Keith (Agosto 15, 2008). "Ask Billboard: Missy Elliott, Hot 100 And The Best Selling Album Of All Time". Billboard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2016. Nakuha noong Abril 19, 2022. We're including Morissette's "Jagged," as it was her U.S. major label debut
  9. "Alanis Morissette". Acclaimed Music. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 14, 2017. Nakuha noong Enero 13, 2017.
  10. "#69 Alanis Morissette, 'Jagged Little Pill' (1995) — Rolling Stone 500 Greatest Albums Of All Time" (sa wikang Ingles). Rs500albums.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-04. Nakuha noong 2022-02-15.
  11. "Alanis Morissette, 'You Oughta Know'" (sa wikang Ingles). Rolling Stone Australia. 2021-09-16. Nakuha noong 2022-07-17.
  12. Zellner, Xander (Setyembre 3, 2019). "Alternative Songs 30th Anniversary: Dolores O'Riordan, Alanis Morissette & More Top Female Artist". Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 15, 2022.
  13. "Alanis Morissette | Biography, Music & News". Billboard (sa wikang Ingles).
  14. "VH1: 100 Greatest Women of Rock & Roll" (sa wikang Ingles). 1999. Nakuha noong Oktubre 23, 2017 – sa pamamagitan ni/ng RockOnTheNet.com.