Albuminuria
ICD-10 | R80. |
---|---|
ICD-9 | 791.0 |
MeSH | D000419 |
Ang albuminuria ay ang pagkakaroon ng albumin (partikular na ang serum albumin) sa ihi ng isang tao. Ito ay isang uri ng proteinuria. Ang ganitong kalagayan patolohikal ay maaaring dahil sa pamamaga ng mga bato o sa karamdaman ni Bright, na karaniwang mga sanhi. Bagaman maaari rin itong lumitaw sa mga sakit na karamdamang amyloid, konhestiyon sa kaso ng sakit sa puso, iritasyon mula sa mga gamot, anemia, at pansamatala sa mga katayuan ng pagiging may lagnat. Sa mas tiyak na uri ng sakit sa bato, ang albumin sa ihi ay karaniwang mayroong hugis na kawangis ng mga tubulo ng organong bato. Sa implamasyon ng lagayan at daanan ng ihi (urinary tract) katulad ng pantog o urethra, nagkakaroon din ng albumin sa ihi.[1]
Mapanganib at hindi mapanganib
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakaroon ng albuminuria sa mga babaeng buntis ay palaging tinatanaw na mapanganib dahil sa tanda ito ng pagiging maaari na magkaroon ng eclampsia, kaya't dapat na parating ieksaminin ng duktor ang ihi ng babaeng nagdadalangtao. Sa mga bata, lalo na sa mga lalaki, ang albumin ay minsang matatagpuan sa ihi, bukod sa pagkakaroon ng sakit sa bato. Matutuklasan ito sa isang takdang oras, katulad ng sa gabi, habang hindi naman matatagpuan sa ibang mga oras; at maaaring lumitaw lamang pagkatapos ng paliligo na gumagamit ng malamig na tubig o pagkatapos kumain, matagal na pagtayo, o labis na pag-eehersisyo. Pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagsusuri sa loob ng matagal na panahon matitiyak na hindi nakakapinsala ang ganitong albuminuria sa mga kasong ito.[1]
Pagsusuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang payak na pagsusuri ng pagkakaroon ng albuminuria ay ang pagpapakulo ng kaunting ihi habang nasa isang kutsara o sa loob ng isang test tube. Ang ihi ay maaaring maging maulap, subalit dahil baka ito dahil sa mga phosphate dapat na patakan ito ng kaunting suka o asidong asetiko. Ang asido ay makakapagdulot ng pagkatanggal ng panlalabo na sanhi ng mga phosphate, ngunit hindi maaapektuhan ang paglabo na dulot ng albumin. Ang pag-uulap ng ihi dahil sa albumin ay dapat na kaagad na ikonsulta sa manggagamot.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Osler, William. On the Advantages of a Trace of Albumin and a few Tube Casts in the Urine of Certain Men above Fifty Years of Age (New York Medical Journal, 1901, 949-50) - na maisasalinwika bilang "Hinggil sa Kapakinabangan ng isang Bakas ng Albumin at ilang Hugis ng Tubo sa Ihi ng Ilang mga Lalaki may Limpampung Taong Gulang".