Pumunta sa nilalaman

Pikolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Algolohiya)

Ang algolohiya (Ingles: algology), pikolohiya (Ingles: phycology) o dalublumutan ay isang bahagi ng botanikang nag-aaral ng mga alga o lumot, mga maliliit na halamang natatagpuan sa tubig o sa dagat. Mahalaga ang mga lumot sa mga halamang nasa mga ekosistemang akwatiko. Karamihan sa mga lumot ang organismong eukaryotiko at potosintetiko na nabubuhay sa mga kapaligirang basa. Naiiba sila sa mas matataas na uri mga halaman dahil sa kakulangan ng normal na mga ugat, mga tangkay o mga sanga, at mga dahon. Maraming mga uri ang may iisang selula at napakaliliit o mikroskopiko (kasama ang mga pitoplankton at mga mikroalga). Marami pang iba na multiselular o may maraming mga selula, ilan sa mga nilalang na ito ang napakalalaki, katulad ng mga gulamanng kelp at Sargassum. Pinakakahulugan din ang pikolohiya bilang pag-aaral ng mga prokaryotikong mga uri ng lumot na kilala bilang mga lumot na kulay bughaw-lunti o mga siyanobakterya (cyanobacteria). Ilan sa mga mikroskopikong lumot ang nasa mga liken (mga lichen, o pagsasanib ng mga lumot at mga halamang-singaw). Tinatawag na pikologo o pikolohista ang isang taong nag-aaral ng pikolohiya.

Botanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.