Alipunga
Alipunga | |
---|---|
Isang grabeng kaso ng alipunga. | |
Espesyalidad | Infectious diseases |
Ang alipunga (Ingles: athlete's foot, ringworm of the foot; katawagang medikal: tinea pedis) ay isang uri ng sakit sa balat na mayroong impeksiyon ng fungus dahil sa organismong Trichophyton.[1]
Pinagmumulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naihahawa ang alipunga mula sa mga lugar na mamasa-masa, katulad ng mga paliguan. Ang katawang Ingles na athlete's foot (paa ng atleta) ay dahil sa karaniwang nagkakahawahan ang mga manlalaro o mga atleta ng alipunga mula sa iisang mga paliguang ginagamit nila.[1]
Mga sintomas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakaroon ng alipunga ay nagsasanhi ng panunuklap ng balat (flaking) ng paa, pangangaliskis ng balat (scaling) ng paa, pangangati ng balat sa paa, pamumula, paghapdi, at pagsusugat ng paa, at pangangamoy ng paa (na ang amoy ay humahawa sa medyas) ng taong may alipunga.[1]
Lunas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga panggamot ng alipunga ang kremang panlaban sa halamang singaw (maaaring mabili lamang mula sa botika na walang reseta o mayroon namang kailangan muna ng reseta ng duktor, katulad ng isang dermatologo o iba pang espesyalistang manggagamot). Kabilang sa mga kremang panggamot sa alipunga ang Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, at iba pa. Maaari ring painumin ng manggagamot ng mga tabletang angkop sa paglulunas ng alipunga.[1]
Pag-iwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mahahalagang mga bagay na nakapagpapaiwas ng pagkakaroon ng alipunga ang kalinisan sa katawan, malimit na paghuhugas ng mga kamay, pagpapalit ng mga tuwalyang pampaligo o pamunas, madalas na pagpapalit ng mga kumot o mga krema at anumang pambalot ng hinihigang kama, at palagiang pagpapalit ng mga medyas.[1]