Alpabeto ni Sirach
Ang Alpabeta ni ben Sirach o Alphabetum Siracidis o Othijoth ben ay isang panitikang Hudyo na may inspirasyon ng Karunungan ni Sirach. Ito ay pinaniniwalaang mula 700 CE. Ito ay kalipunan ng dalawang talaan ng mga kawikaan, 22 sa Aramaiko at 22 sa Hebro na parehong isinaayos sa mga akrostikang alpabetiko. Ito ay isinalin sa Latin, Yiddish, Judeo-Spanish, wikang Pranses at wikang Aleman. Ang isang parsiyal na saling Ingles ay lumitaw kina Stern at Mirsky (1998).
Lilith
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Alpabeto ni Ben Sira, habang nililikhang mag-isa ng Diyos si Adan, hindi mabuti para sa tao na mag-isa. Kanya ring nilikha ang isang babae mula sa lupa gaya ng paglikha kay Adan at tinawag siyang Lilith. Agad na magsimulang mag-away sina Adan at Lilith. Sinabi ni Lilith na hindi siya hihiga sa ilalim ni Adam ngunit sa ibabaw lamang ni Adan. Sinabi ni Adan na hindi siya magpapailalim kay Lilith sapagkat siya ang superior. Tumugon si Lilith na sila ay pantay na parehong nilikha mula sa lupa. Hindi sila nakinig sa bawat isa. Nang makita ito ni Lilith, kanyang binigkas ang hindi mabibigkas na pangalan at lumipad sa hangin. Si Adan ay nanalangin sa maylalang at nagsabi sa Soberanya ng uniberso na ang babaeng ibinigay mo sa kanya ay lumayas. Ang maylalang ay nagpadala ng tatlong anghel upang ibalik si Lilith. Sinabi ng maylalang na kung papayag si Lilith na bumalik, ang ginawa ay mabuti. Kung hindi, pahihintulutan ni Lilith ang isang daang bata na mamatay araw araw. Iniwan ng mga anghel ang Diyos at hinabol si Lilith na kanilang naabutan sa gitna ng dagat na paglulunuran ng mga Ehipsiyo. Kanilang sinabi sa kanya ang sinabi ng Diyos ngunit hindi niya gustong bumalik. Sinabi ng mga anghel na lulunurin nila si Lilith sa dagat. Nakiusap si Lilith na iwanan nila siya at nagsabing siya ay nilikha lamang upang magsanhi ng sakit sa mga sanggol. Kung ang sanggol ay lalake, siya ay may dominyon sa kanya sa 8 araw pagkatapos ng kapanganakan at kung babae ay sa 20 araw. Nang marinig ito ng mga anghel, kanilang ipinilit na bumalik siya. Si Lilith ay sumupa sa pangalan ng Diyos na kapag nakikita niya sila o mga pangalan nila sa isang anting anting, siya ay walang kapangyarihan sa sanggol. Si Lilith ay pumayag na ang 100 bata ay mamatay araw araw. Ang 100 demonyo ay namamatay araw araw at sa parehong dahilan ay isusulat nila ang mga pangalan ng mga anghel sa mga anting anting ng mga bata. Kapag makikita ni Lilith ang kanilang mga pangalan, maaalala niya ang kanilang panunumpa at ang bata ay gagaling.