Alveolus na pangngipin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang alveolus na pangngipin (Ingles: dental alveolus, maramihan: dental alveoli, binibigkas na /al-ve-o-lay/), na tinatawag ding pasakan ng ngipin, saksakan ng ngipin, patungan ng ngipin, kabitan ng ngipin, o bokilya ng ngipin, ay ang "bokilya" o "saksakan" (butas) na kinapipirmihan ng isang ngipin at ng mga ugat nito. Ang isang bukol o abscess na lumilitaw sa isa sa mga butas na ito ay tinatawag na alveolar abscess (bukol sa alveolus) o gumboil (pigsa ng gilagid). Binubuksan ito kaagad ng dentista sa lalong madaling panahon, kapag nalagyan na ng antiseptiko, dahil kung hindi isang peklat ang maiiwan sa ibabaw ng pisngi o ng leeg dahil sa nana o materya na manunuot. Habang naglalabas ng katas ang abseso, dapat na panatilihing malinis ang bibig sa pamamagitan ng madalas na paggamit ng pangmumog, katulad ng isang kutsara ng kumpuwestong solusyon ng thymol o solusyon ng hydrogen peroxide na inihahalo sa dalawang kutsara ng mainit na tubig. Pagkatapos na gumaling ang pigsa ng gilagid, pinagtutuonan naman ng dentista ang kaukol na ngipin o mga ngipin. [1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Alveolus". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 27.