Pumunta sa nilalaman

Alvin and the Chipmunks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Alvin and the Chipmunks, orihinal na David Seville and the Chipmunks o simpleng The Chipmunks, ay isang kathang-isip na banda na tungkol sa tatlong magkakapatid na mga chipmunk na mang-aawit na laging kumakanta ng mataas ang tono. Si Alvin ang pinuno ng kanyang mga makukulit na kapatid, mahilig manggulo ngunit mabilis sumikat kumpara sa kanyang dalawang kapatid. Si Simon ay isang henyo at may salamin sa mata. Panghuli ay si Theodore na pinakamataba at pinakamabait ngunit maaapektuhan. Ang tatlong pangalan ng chipmunk ay kinuha mula sa pangalan ng mga ehekutibo ng Liberty Records na sina Alvin Bennett, ang chairman ng kompanya, Simon Waronker, tagapagtatag at may-ari, at Theodore Keep, ang chief engineer.[1]

Si Ross Bagdasarian, Sr., kilala rin bilang si David Seville, ay ang gumawa ng Alvin and the Chipmunks noong 1958. Siya ay gumawa ng animasyon tungkol sa isang banda ng musika. Siya mismo ang nagboses sa mga karakter sa pamamagitan ng pagpapabilis at pag-uulit ng kanyang sariling boses hanggang sa pagkakaroon ng mga boses na mataas at ngaring. Ang pamamaraan ay hindi na bago dahil ito ay ginamit ni Bagdasarian sa kanyang nakaraang kanta na "Witch Doctor", at ang kanta ay hindi inaasahang naging sikat at nakakuha pa ng nominasyon ng Grammy Award para sa Best Children's Song.[2] Ang kantang "The Chipmunk Song (Christmas Don't Be Late)" ay inilabas noong Bisperas ng Pasko 1958 at nanalo ng tatlong Grammy Awards nang sabay-sabay para sa mga kategorya: Best Comedy Performance, Best Children's Recording, and Best Engineered Record (non-classical) [3] at #1 sa mga chart na Billboard Hot 100 sa loob ng apat na magkakasunod na linggo.

Pagkatapos ay ginugol ni Bagdasarian ang halos lahat ng kanyang oras sa boses ng tatlong mga chipmunk at ang kanilang adoptive father na si David (Dave). Ang mga karakter ay unang nilikha sa animated na seryeng The Alvin Show, na ipinalabas noong 1961 at tumagal ng isang taon. Nagpatuloy din siya sa paglabas ng maraming iba pang mga album at mga single na may mga kanta na kanyang kinanta kasama ang mga chipmunk, lalo na ang mga album cover ng mga kanta ng The Beatles. Matapos ang pagkamatay ni Bagdasarian noong 1972, ang mga boses ng chipmunk ay ipinatuloy ng kanyang anak na si Ross Bagdasarian, Jr. sa 1980s animated series na Alvin and the Chipmunks. Bukod pa rito, si Janice Karman, asawa ni Ross Bagdasarian, Jr., ay ang nagboses ang Chipettes, ang babaeng bersyon ng Chipmunks.

Sa serye ng Alvin and the Chipmunks ng apat na pelikulang inilabas noong 2007, 2009, 2011 at 2015, ang tatlong chipmunk ay binigyan boses nina Justin Long, Matthew Gray Gubler at Jesse McCartney. Noong Agosto 2015, isang bagong animated series na ipinamagat na ALVINNN!!! at ang Chipmunks ay inilikha gamit ang CGI technology at ipinalabas sa Nickelodeon. Noong 2019, pinangalanan ang trio sa isang bituin sa Hollywood Walk of Fame.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Korkis, Jim (April 5, 2013). "Animation Anecdotes #104". Cartoon Research. Retrieved June 27, 2022.
  2. https://www.grammy.com/grammys/artists/ross-bagdasarian-sr/1043
  3. http://goldderby.latimes.com/awards_goldderby/2009/05/today-in-1958-first-grammy-awards-handed-out-.html[patay na link]
  4. http://www.nbclosangeles.com/news/alvin-and-the-chipmunks-hollywood-walk-of-fame-star/165323/