Pumunta sa nilalaman

Amag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang amag (Ingles: mold o mildew)[1] ay iba't ibang mga halamang-singaw na na tinatakpan ang ibabaw sa anyong malambot at mabulang mycelia at kadalasang lumilikha ng maraming mga spore (pinakaraniwang ang asekswal na mga spore ngunit minsan sekswal).

Tumutubo ang mga amag sa mga materya ng gulay o hayop, karaniwang bilang isang balot na malambot o mabalahibo. Karaniwang tanda ito ng pagkabulok o pagkabasa. Hindi partikular ang mga amag sa pangkat ng taksonomiya o piloheniya - matatagpuan sila sa mga dibisyon ng Zygomycota, Deuteromycota at Ascomycota.

Kadalasang nangangahulugang pagkabulok ang pagkakaroon ng amag, bagamang may mga amag na sadyang inaalagaan; halimbawa para sa paggawa ng ilang uri ng keso, at para sa produksiyon ng mga antibiyotiko na hinango mula sa likas na pangsanggalan ng organismo sa bakterya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.