Amber Run
Ang Amber Run ay isang bandang Briton mula sa Nottingham, United Kingdom na binubuo nila Joe Keogh, Will Jones, Tom Sperring, Felix Archer, at Henry Wyeth. Ang bandang ito'y nagpalabas ng isang album at tatlong EP habang nakapirma sa RCA Records. Amber ang kanilang pangalan sa simula ngunit napilitan silang baguhin ito upang makaiwas sa gusot kalakip ang isang Alemang dance-pop na mang-aawit na may kaparehang pangalan. Kalimitang tumutugtog ang banda sa UK at Ireland.
Sina Joe Keogh, Tom Sperring at Will Jones ay mga magkakaibigan mula sa Buckinghamshire sa Dr Challoners Grammar School kung saan sila'y tumutugtog sa isang bandang alternative rock. Dahil si Felix Archer ay mula sa parehang pook at si Wyeth naman ay mula sa Kent, sila'y nagkatagpu-tagpo habang nag-aaral sa Unibersidad ng Nottingham. Lahat sila’y nag-aral para sa mga digri ng Humanities at Law, ngunit iniwan nila ang kanilang pag-aaral upang magpokus sa banda. Si Keogh noong una’y nagtatanghal bilang kanyang sariling pangalan at nagsimulang makaramdam ng “bit of momentum [so] we sat down and jammed out one day and there was something about it. It was so much better than what I was doing solo, so we started a band.” (kaunting momentum [kaya] isang araw kami’y umupo’t nag tugtugan at may isang bagay kaming nakita. Sobrang mas maganda ito kumpara sa ginagawa ko mag-isa, kaya nagsimula kami ng banda.)
Salamat sa lokal na tagahandog ng BBC na si Dean Jackson ang pagkatampok ng banda sa entabaldong pagpapakilala ng BBC sa Reading Festival noong 2013 ay ang ikaapat lamang na palabas ng banda. Ang kanilang presensya ay umakit ng ilang mga tao sa A&R tungo sa palabas at matapos and ilang linggo ng pakikipag-usap pumirma ang banda sa RCA.