Pumunta sa nilalaman

Aman

Mga koordinado: 31°57′N 35°56′E / 31.95°N 35.93°E / 31.95; 35.93
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amman)
Amman

عَمَّان
lungsod, big city
Watawat ng Amman
Watawat
Map
Mga koordinado: 31°57′N 35°56′E / 31.95°N 35.93°E / 31.95; 35.93
Bansa Jordan
LokasyonAmman Governorate, Jordan
Ipinangalan kay (sa)Ammon
Lawak
 • Kabuuan1,680 km2 (650 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)
 • Kabuuan4,007,526
 • Kapal2,400/km2 (6,200/milya kuwadrado)
Websaythttp://www.ammancity.gov.jo

Ang Aman (Ingles na pagbigkas: /əˈmɑːn/; Arabe: عَمّانʻammān binibigkas [ʕamːaːn]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Jordan at ito ang sento ng bansa sa ekonomiya, politika at kalinangan.[1] May populasyon na 4,007,526, ang Amman ay ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Lebante at ang ika-6 na pinakamalaking lungsod sa mundong Arabe.[2]

Ang unang ebidensya ng paninirahan sa Aman ay sa isang Neolitikong lugar na kilala bilang 'Ain Ghazal, kung saan narito ang mga pinakalumang mga estatwang tao na natagpuan, na pinepetsa sa 7250 BC. Noong Panahon ng Bakal, kilala ang lungsod bilang Amon, tahanan ng Kaharian ng mga Amonita. Pinangalan itong Filadelfia noong mga panahon ng Griyego at Romano nito, at sa wakas, tinawag itong Aman noong panahong Islamiko. Sa karamihan ng maaga at gitnang panahong Islamiko (ika-7ika-14 na dantaon), nagsisilbi itong isang sentro para distrito ng Balqa ng Sirya. Pagkatapos, karamihang abandunado ang lugar hanggang noong huling bahagi ng ika-19 na siglo nang nanirahan ang mga imigranteng Sirkasiyano doon sa pamamagitan ng Imperyong Otomano noong 1878. Naitatag ang unang pambayang konseho noong 1909.[3]

Nasaksihan ng Aman ang mabilis na paglago pagkatapos maitalaga ito bilang kabisera ng Transjordan noong 1921, at pagkatapos ng ilang sunod-sunod na mga pagdating mga takas o refurgee: mga Palestino noong 1948 at 1967; mga taga-Iraq noong 1990 at 2003; at Siryano simula pa noong 2011. Una itong naitayo sa pitong burol ngunit ngayon ay lumawak na sa 19 na burol na pinagsama ang 22 lugar,[3] na pinamamahalaanan ng Kalakhang Munisipalidad ng Aman na pinamumunuan ng Alkalde nito na si Yousef Shawarbeh.[4] Nakuha ang pangalan ng mga lugar sa Aman mula sa alinman sa burol (Jabal) o sa lambak na kanilang nasasakop, tulad ng Jabal Lweibdeh at Wadi Abdoun.[3] Puno ng makasaysayang lugar ang silangang Aman na madalas na nagpapasinaya ng mga pangkalinangang aktibidad, habang nagsisilbi naman ang makabagong Kanlurang Aman bilang sentrong pang-ekonomiya ng lungsod.[5]

Tinatayang na sa dalawang milyon ang bumusita sa Aman noong 2014, na ginawa itong ika-93 na lungsod na pinakabinibisita sa mundo at ikalima na pinakabinibisitang lungsod na Arabe.[6] Medyo mabilis ang paglago ng ekonomiya,[7] at nakaranggo ito bilang isang Beta− pandaigdigang lungsod ng Globalization and World Cities Research Network.[8] Bukod dito, ipinangalan ito bilang isa sa mga pinakamagaling na lungsod sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ayon sa mga kadahilanang ekonomiko, paggawa, pangkalikasan, at sosyo-kultural.[9] Pinakasikat ang lungsod bilang lokasyon sa mundong Arabe para sa mga korporasyong multinasyunal upang itayo ang kanilang pangrehiyon na tanggapan, sa tabi Doha at nasa likod lamang ng Dubai. Inaasahan na ang tatlong lungsod na ito ay lalago upang maging sentro ng mga aktibidad ng mga korporasyong multinasyunal sa rehiyon.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Revealed: the 20 cities UAE residents visit most" (sa wikang Ingles). Arabian Business Publishing Ltd. 2015-05-01. Nakuha noong 2015-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Population stands at around 9.5 million, including 2.9 million guests". The Jordan Times (sa wikang Ingles). The Jordan News. 2016-01-22. Nakuha noong 2016-01-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Michael Dumper; Bruce E. Stanley (2007). Cities of the Middle East and North Africa: A Historical Encyclopedia (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 35. ISBN 978-1-57607-919-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Aqel Biltaji appointed as Amman mayor". The Jordan Times (sa wikang Ingles). The Jordan News. 2013-09-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-30. Nakuha noong 2015-09-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "West Amman furnished apartments cashing in on tour". The Jordan Times (sa wikang Ingles). The Jordan News. 2014-08-12. Nakuha noong 2015-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Top 100 International Tourist Destination Cities by Country" (PDF). Euromonitor (sa wikang Ingles). Euromonitor/. 2015-01-24. Nakuha noong 2015-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "How a Startup from the Arab World Grabs 1B Views on YouTube". Forbes (sa wikang Ingles). Forbes. 2014-12-31. Nakuha noong 2015-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The World According to GaWC 2020". GaWC – Research Network (sa wikang Ingles). Globalization and World Cities. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2020. Nakuha noong 31 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. IANS/WAM (2010-11-26). "Abu Dhab duke City' in MENA region". sify news (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-09-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Dunia Frontier Consultants " Doha, Amman Favored by MNCs as New Regional Hubs" (sa wikang Ingles). Duniafrontier.com. 2012-01-25. Nakuha noong 2012-11-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)