Amoris laetitia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Amoris laetitia (Latin para sa Ang kagalakan sa pagmamahal) ay isang apostolikong pangaral ni Papa Francisco.[1] Ito'y may petsang 19 Marso 2016, ngunit 8 Abril 2016 nang ito'y isapubliko. Kasunod itó ng mga Sinodo sa Pamilya na isinagawâ noong 2014 at 2015.[tala 1]

Kasabáy ng paglalabás ng mga teksto sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, at Espanyol, isang pulong-balitaan ang isinagawâ ng Vatican Press Office kung saan tinalakay ang naturang dokumento nina Kardinal Christoph Schönborn O.P., Arsobispo ng Vienna; Kardinal Lorenzo Baldisseri, Kalihim–Panlahat ng Sinodo ng mga Obispo; at mag-asawang siná Francesco Miano, lektor ng pilosopiyang moral sa University of Tor Vergata sa Roma at si Giuseppina De Simone na lektor ng pilosopiya sa Theological Faculty of Southern Italy sa Naples.[2]

Talâan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Pope Francis (19 Marso 2016). Amoris laetitia (PDF) (sa wikang Ingles). Vatican Press. Tinago (PDF) mula sa orihinal noong 8 Abril 2016 – sa pamamagitan ng/ni vatican.va.
  2. "Presentation of the post-Synodal apostolic exhortation Amoris Laetitia: the logic of pastoral mercy, 08.04.2016" (Inilabas sa midya) (sa wikang Ingles). Holy See Press Office. 8 Abril 2016. Tinago mula sa orihinal noong 8 Abril 2016. Nakuha noong 8 Abril 2016.