Pumunta sa nilalaman

Amy Johnson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amy Johnson
Kapanganakan1 Hulyo 1903
  • (City of Kingston upon Hull, East Riding of Yorkshire, Yorkshire and the Humber, Inglatera)
Kamatayan5 Enero 1941
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
United Kingdom
NagtaposUnibersidad ng Sheffield
Trabahoabyador

Si Amy Johnson CBE, (1 Hulyo 1903 – 5 Enero 1941) ay isang tagapagpanimulang abyador na Inglesa. Siya ang unang pilotong babae na nag-iisang lumipad mula sa Britanya papunta sa Australia; noong kapanahunan niya ang isang babaeng piloto ay tinatawag na aviatrix sa wikang Ingles. Sa paglipad na nag-iisa o kasama ang kaniyang asawang si Jim Mollison, si Johnson ay nakapagtala ng maraming mga rekord noong dekada ng 1930. Lumipad si Johnson noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang kabahagi ng Air Transport Auxiliary kung saan siya ay namatay habang isinasagawa ang paglipad na may layuning ilipat ng lugar ang isang sasakyang panghimpapawid (tinatawag sa Ingles bilang ferry flight o ferry flying).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "8 Unsung Women Explorers." Our Amazing Planet, LiveScience.com, 30 April 2012. Nakuha noong 30 Abril 2012.


TalambuhayTransportasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.