Pumunta sa nilalaman

Ana Layevska

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ana Layevska
Kapanganakan10 Enero 1982[1]
  • (Ukranya)
MamamayanUkranya
Trabahoartista

Si Ana Layevska ay isang artista sa Mehiko Kilala siya sa kanyang mga papel na ginampanan gaya ng mga telenobelang "La Madrastra" at ang unang leading role sa "Las Dos Caras de Ana."

Ipinanganak sa Ukraina noong 10 Enero 1982, lumipat ang kanyang pamilya sa Mehiko noong siya ay siyam na taong gulang. Isa siya sa mga nagtapos ng kursong pag-aarte sa Centro Educacion Artistica ng Televisa.

Sa kanyang talento sa pag-aarte ay natamo ng mga maiikling pagganap sa mga telenobela gaya ng Preciosa (1998) at Amor Gitano (1999), kasama sina Mauricio Islas at Mariana Seoane. Di naglaon ay kinuha ng producer na si Pedro Damián para mapabilang si Ana sa telenovelang Primer amor... a mil por hora (2000), kung saan nakasama siya kina Kuno Becker, Mauricio Islas, Valentino Lanús at Anahí. Napanalunan ni Layevska ang premyong TVyNovelas para sa kategoryang best female revelation, ganon din sa Palme d'Or prize sa parehong kategorya. Noong 2001, itinampok siya sa una niyang pelikulang pinamagatang In the Time of the Butterflies, kung saan nakatrabaho niya sina Salma Hayek at Edward James Olmos. Noong 2005, kabilang siya sa reality TV show na Bailando Por Un Sueño, kung saan ang mga artista ay nakapareho sa mga kalahok sa isang paligsahang pansayaw. Bagamat naging unpopular sa mga hurado, ligtas siya mula sa pagkstalsik sa paligsahan ng tatlong beses sa pamamagitan ng public telephone voting, dahilan ng pagsungkit ng ikatlong pwesto sa finals ng nasabing show.

Ang pinakahuling pagganap ay sa telenobelang El Fantasma de Elena bilang si Elena Calcaño, sa produksiyon ng Telemundo Studios. Gagampanan ni Ana ang ikalawang pangunahing kontrabida sa Mi Corazón Insiste kasama sina Jencarlos Canela, Carmen Villalobos, and Angelica Maria. Sa 2012, si Layevska ay magiging bahagi ng pinakabagong telenobela ng Telemundo, ang Relaciones Peligrosas bilang si Paty, ang pangunahing tauhan, makakasama niya sina Sandra Echeverría, Maritza Bustamante, at Gabriel Coronel.

Bukod sa pag-arte, ay mahusay ring umawit at tumugtog ng dalawang instrumentong musikal: ang biyolin at piano. Kumuha siya noong bata pa ng mga kursong classical music.

Bihasa si Ana sa mga wikang Ruso, Ukranyo, Espanyol at Ingles.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Internet Movie Database (sa wikang Ingles), Wikidata Q37312, nakuha noong 20 Hunyo 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.in.com/ana-layevska/profile-17845.html.
  3. "Ana Layevska interview in CNN en Español" (sa wikang Kastila). AnaLayevskaFC. 7 Agosto 2012. Nakuha noong 5 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)