Pumunta sa nilalaman

Ana Patricia Non

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ana Patricia Non, kilala rin bilang "Patreng" sa mga malapit niyang kaibigan,[1] (edad:26 anyos, alumna ng Unibersidad ng Pilipinas)[1] ay ang babaeng unang namuno sa pagpundar ng Community Pantry sa Pilipinas. Ang unang community pantry sa bansa ay umusbong sa Maguinhawa, Lungsod ng Quezon. Ito ay matatagpuan sa Maginhawa St. sa UP Village, kaharap ng groseriya ng Ministop at Romantic Baboy[1]. Ito ay unang nagpapamahagi ng mga pagkain tulad ng gulay, noodles, sardinas, at ilang mga esensyal na pagkain noong Miyerkules ng Abril 14, 2021.[2]

Si Ana Patricia ay kasapi rin ng UP Artists' Circle Fraternity and Sorority at kumuha ng kursong Visual Communications sa Unibersidad ng Pilipinas - College of Fine Arts. Kahit nang siya ay nasa kolehiyo pa lamang, naging parte na ng kaniyang mga proyekto ang pagsasagawa ng mga libreng art workshop sa mga baranggay. Nagkaroon rin siya ng mga programa para sa mga preso-politikal at mga katutubong Lumad.[1]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]