Anak ng Tao
Ang Anak ng Tao (Ebreo: בֶן־אָדָם, ben-ˀAdam, "anak ni Adan") ay isang katawagan sa mga wikang Semitiko na nangangahulugang 'tao.'
Sa Kristyanismo , ang "Anak ng Tao" ay isang pamagat na ginamit ni Hesus. Tinawag ni Hesus ng ganito ang kaniyang sarili noong habang nangangaral pa siya sa mundo. Sa Lumang Tipan ng Bibliya, nagkaroon ng hula hinggil sa isang banal na tao na sinabing tatanggap ng tinatawag na kahariang hindi nagwawakas at sasambahin ng lahat ng mga bansa. May kaugnayan ang pamagat na ito sa pagpapakita ni Hesus ng kapangyarihan bilang isang banal na nilalang na kaalinsabayan ng kaniyang pagiging tao rin, na matutunghayan sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 2:20) ng Bagong Tipan.[1][2] Bukod kay Hesus, ginamit din itong katawagan para sa propetang si Esekiel.[2][3]
Pagkakaiba kay Esekiel
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinamagatan at tinawag na Anak ng Tao ng mahigit sa siyamnapung ulit si Propeta Esekiel sa pahina ng Aklat ni Esekiel. Ang Diyos ang tumawag kay Esekiel bilang Anak ng Tao.[3] Ipinapakita ng ganitong paggamit ang kaibahan sa pagitan ng Panginoong Diyos at ni Esekiel na isang tao lamang na may hangganan ang kakayahan at mayroong kahinaan. Ngunit mayroong kaluwalhatian at kagitingan ang Diyos.[2]
Iba pang pinagbanggitan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa Ebanghelyo ni Marcos at sa Aklat ni Esekiel, tinukoy din ang hinggil sa Anak ng Tao sa Aklat ni Daniel, partikular na sa Daniel 7:13, Daniel 7:14, at Daniel 8:17, ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Daniel 8:17, nilarawan ang Anak ng Tao bilang isang darating na kasama ang mga ulap ng kalangitan at nabigyan ng kapangyarihan, karangalan, maharlikang lakas na nangingibabaw sa lahat ng mga bansa ng mundo. Isa itong pagtukoy sa Mesias o Anak ng Diyos.[2] Itinuturing na kinatawan ng Diyos tinutukoy ng pariralang "isang katulad ng anak ng tao."[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Son of Man". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Esekiel 2:1". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Reader's Digest (1995). "Ezekiel, paliwanag sa pahina 540; Daniel, paliwanag sa pahina 573". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.