Pumunta sa nilalaman

Mesiyas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mesias)

Ang mesiyas (Ebreo: משיח, mashiaḥ; Kastila: mesías) ay isang salitang Hebreo na may literal na ibig sabihing "ang pinagpahiran" (ng langis) o ang "isang napili".[1] Ito ay isinalin sa Griyego bilang χριστός (chrīstós o Kristo) mula sa pandiwang χρίω na nangangahulugang "pahiran".

Impluwensiya ng Zoroastrianismo sa Hudaismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kaharian ng Juda ay bumagsak sa mga Babilonyo noong 587/586 BCE at ang mga mamamayan nito ay ipinapon sa Babilonya.Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon na itinayo noong 516 BCE na naging Ikalawang Templo sa Herusalem. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata nang 207 taon. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Bibliyang Hebreo at Ikalawang Temmplong Hudaismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Tanakh o Bibliyang Hebreo, ang mashiah o mesiyas ay tumutukoy sa isang Dakilang Saserdote(Aklat ng Levitico 4:3,5,16; 6:22) o kalaunan ay sa hari ng Israel (1 Samuel 2:10,35; 24:7,11; 26:9,11,16,23) at Dakilang Ciro(Aklat ni Isaias 45:1).

Sa Hudaismong Ikalawang Templo mula 539 BCE hanggang 70 CE[2], ito ay isang hari na mula sa angkan ni David at ni Solomon, na mamamahala sa mga pinagkaisang tribu ng Israel.[3] Sa kasalukyang Rabinikong Hudaismo, ito ay isang tao(hindi isang diyos) mula sa angkan ni David at Solomon na maglulunsad ng Panahong Mesiyaniko[4][5] ng pandaigdigang kapayapaan. Kabilang sa mga pangyayaring magaganap sa pagdating ng Hudyong mesiyas ayon sa mga skolar ng Hudaismo ang muling pagkakabuo ng sanhedrin at muling pagkakatipon ng mga Hudyo sa Israel na nagkalat sa buong mundo. Ang mga natipon ay muling magbabalik sa pagsunod sa Torah at kautusan ni Moises. Ayon din sa Hudaismo, ang mesiyas na Hudyo rin ang tanging binibigyan ng kapangyarihan na magtayong muli ng isang "pisikal"(literal) na Templo sa Herusalem na tinatawag na Ikatlong Templo.[6] Sa muling pagtatayong ito ng Templo sa Israel, ang mga paghahandog ng mga hayop ng Hudyo kay Yahweh ay muling mapapanumbalik. Sa Hudaismo, ang mesiyas ay isa lamang ordinaryong tao na sumusunod sa Torah at hindi isang Diyos o isang Diyos na Anak ng Diyos.

Sa Kristyanismo, si Hesus ay itinuturing na mesiyas(pinahiran o anointed) ng Hudaismo at isinalin sa Griyego bilang Kristo na ipinadala ng Diyos upang iligtas ang kanyang mga disipulo sa malapit na paghuhukom na magaganap noong unang siglo CE.[1]. Upang patunayan na si Hesus ang mesiyas, ginamit ng mga may akda ng Bagong Tipan ang ilang mga talata mula sa Lumang Tipan batay sa Septuagint na iba sa Tekstong Masoretiko. Naniniwala ang mga modernong Hudyo na ang Septuagint ay isang pagbabago ng mga Kristiyano upang suportahan ang kanilang teolohiya. Ang pinakamaagang manuskrito ng Septuagint na Codex Sinaiticus ng kumpletong Lumang Tipan ay naimpluwensiyahan ni Origen at maaaring binago ang orihinal na Hebreo upang sumalamin sa paniniwalang si Kristo ang mesiyas ng mga Hudyo. Ayon kay Josephus, ang orihinal na Septuagint ay tumutukoy lamang sa Torah. Ang paniniwala sa sinaunang mga Kristiyano ay nag-ebolb na si Hesus ay hindi lamang isang Mesiyas o Kristo kundi isa ring preeksistenteng Logos o "Ang Salita ng Diyos" (isang kataga sa pislopiya ng Sinaunang Gresya at pinaunlad ng Helenistikong Hudyong si Filon) ng Alehandriya) at naging isa ring Diyos na umiral bago pa ang pagkakatawang tao nito na matatagpuan sa pinakahuling isinulat na Ebanghelyo ni Juan.

Inilalarawan sa Dead Sea Scrolls tungkol sa Mga Essene ang isang sagradong pagkain ng tinapay at alak sa isang hapunan sa Paskuwa na inihanda ng walang lebadurang tinapay na kakainin sa mga pagwawakas ng mundo kasama ng mesiyas.

Pananaw ng mga Hudyo tungkol kay Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa mga skolar ng Hudaismo, ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay base sa maling salin na Septuagint ng Bibliya at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.[7][8][9][10][11] Ang opisyal na Bibliyang ginagamit ng mga Hudyo ay ang Hebreong Masoretiko at hindi ang Griyegong Septuagint. Ang isa sa maraming halimbawa ng mga pinaniniwalaang korupsiyon sa Septuagint ang Isaias 7:14 na pinagkopyan ng manunulat ng Ebanghelyo ni Mateo(Mateo 1:23). Ayon sa Isaias 7:14 ng Septuagint, "ang partenos(birhen) ay mangangak...". Ayon sa Masoretiko, ang Isaias 7:14 ay "ang almah(babae) ay buntis at malapit ng manganak..."[12]

Mga nag-angkin o inangking mesiyas ng Hudaismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Menachem Mendel Schneerson, naniniwala ang mga kasapi ng Chabad-Lubavitch, isang pangkat Ortodoksong Haredi, na ang rabinong si Menachem Mendel Schneerson, na namatay noong 1994, ang mesiyas,[13] at na babalik siya sa tamang panahon.
  • Simon ng Peraea (ca. 4 BC), dating alipin ni Herodes na nagrebelde at pinatay ng mga Romano.[14]
  • Athronges (ca. 3 BC),[15] Isang pastol na naging rebeldeng pinuno.
  • Menahem ben Judah (?), pinaniniwalaang anak ni Hudas na taga Galilea. Lumahok sa pagaalsa laban kay Agrippa II bago patyin ng kalabang pinuno ng Zealot.
  • Hesus
  • Vespasian, c. 70,[16]
  • Simon bar Kokhba (? – ca. 135), tagapagtatag ng sandaling estado na Hudyo bago talunin sa pag-aalsa ng Bar Kokhba.
  • Moses of Crete (?), noong 440–470 ay hinikayat ang mga Hudyo ng Creta na lumakad sa dagat para makabalik sa Israel. Pagkatapos ng trahedyang, ang indibidwal na ito ay naglaho.
  • Ishak ben Ya'kub Obadiah Abu 'Isa al-Isfahani (684–705), na namuno sa pag-aalsa sa Persia laban kay Umayyad Caliph 'Abd al-Malik ibn Marwan.
    • Yudghan (?), disipulo ni Abu 'Isa na nagpatuloy ng pananampalatay matapos mapatay si Isa.
  • Serene (?), noong 720 ay nag-angking mesiyas at itinaguyod ang pagpapatalsik ng mga Muslim at paluwagin ang mga batas na rabiniko bago siya hulihin. Kanya ito binawi.
  • David Alroy (?), ipinanganak sa Kurdistan, at noong 1160 ay lumaban sa kalipa bago siya patayin.
  • Nissim ben Abraham (?), aktibo noong 1295.
  • Moses Botarel of Cisneros (?), aktibo noong 1413; nag-angking mambabarang na kayang pagsamahin ang mga pangalan ng diyos.
  • Asher Lämmlein (?), isang Aleman malapit sa Venice na naghayag sa kanyang sarili na isang tagapagpauna sa isang mesiyas noong 1502.
  • David Reubeni (1490–1541?) at Solomon Molcho (1500–1532), mga manlalakbay na naglakbay sa Portugal, Italya, at Turkey; si Molcho ay kalaunang ipinasunog sa isang tulos ng papa sa Roma.
  • Sabbatai Zevi (1626–1676), isang Hudyong Ottoman Jew na nag-angking mesiyas ngunit isang Muslim. Sa kasalukuyan ay may mga disipulo pa rin sa Donmeh.
    • Barukhia Russo (Osman Baba), kahalili ni Sabbatai Zevi.
    • Jacob Querido (?–1690), nag-angking bagong inkarnasyon ni Sabbatai; kalaunan ay lumipat sa pananampalatayang Islam at pinamunuan ang Donmeh.
    • Miguel Cardoso (1630–1706), isa pang kahalili ni Sabbatai na nag-angking "Messiah ben Ephraim."
    • Mordecai Mokia (1650–1729), "the Rebuker," nag-angking mesiyas pagkatapos mamatay ni Sabbatai.
    • Löbele Prossnitz (?–1750), nagkamit ng mga disipulo na dating tagasunod niSabbatai; siya ay nag-angkin ring isang"Messiah ben Joseph."
  • Jacob Joseph Frank (1726–1791), nag-angking reinkarnasyon ni haring David at nagturo ng pananampalatayang pinagsamang Kristiyanismo at Hudaismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Messiah". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.
  2. https://www.oxfordbibliographies.com/view/document/obo-9780195393361/obo-9780195393361-0087.xml#:~:text=%E2%80%9CSecond%20Temple%20Judaism%E2%80%9D%20is%20a,Roman%20forces%20in%2070%20CE.
  3. Megila 17b–18a, Ta'anit 8b
  4. E·ra me·siá·ni·ca sa Kastila
  5. Sota 9a
  6. http://www.aish.com/jw/s/48892792.html
  7. Why did the majority of the Jewish world reject Jesus as the Messiah, and why did the first Christians accept Jesus as the Messiah? by Rabbi Shraga Simmons (about.com)
  8. Michoel Drazin (1990). Their Hollow Inheritance. A Comprehensive Refutation of Christian Missionaries. Gefen Publishing House, Ltd. ISBN 965-229-070-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Troki, Isaac. "Faith Strengthened" Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine..
  10. "The Jewish Perspective on Isaiah 7:14". Messiahtruth.com. Nakuha noong 2009-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. http://www.outreachjudaism.org/FAQ
  12. http://www.outreachjudaism.org/articles/dual-virgin.html
  13. Chabad of the Philippines Naka-arkibo 2009-04-02 sa Wayback Machine., Chabad Lubavitch of the Philippines, Chabad.ph
  14. JA 17.10.6
  15. (JA 17.10.7)
  16. according to Josephus"What more than all else incited them [the Jews] to the [1st Roman] war was an ambiguous oracle ... found in their sacred scriptures, to the effect that at that time one from their country would become ruler of the world. This they understood to mean someone of their own race, and many of their wise men went astray in their interpretation of it. The oracle, however, in reality signified the sovereignty of Vespasian who was proclaimed Emperor on Jewish soil" — Josephus' Jewish War 6.312-13 in Crossan's Who Killed Jesus?, page 44, ISBN 0-06-061479-X