Pumunta sa nilalaman

Anak ng Bulkan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Poster ng Anak ng Bulkan noong 1959

Ang Anak ng Bulkan ay isang pelikula na pinag-bidahan nang yumaong Fernando Poe Jr., Ace Vergel at Edna Luna, patungkol sa isang dambuhalang ibon na namumugad sa bunganga ng Bundok Apo. Sang ayon sa mga lokal na mamamayan, umuusok ang tuktok ng Apo dahil ang mga anito ay nagagalit sa abusong pangangahoy ng mga masasamang-loob sa paanan at kapaligiran ng bundok. Pinaniniwalaan na ang Apo ay maghahasik ng lagim at ilalabas nito ang isang halimaw na ibon na papatay sa taong bayan upang sila ay madisiplina at matuto laban sa pag-aabuso sa inang kalikasan. Sa madaling salita, sumabog ang bundok Apo, dumaloy ang laba sa bibig ng bulkan at kasama sa pagsabog ay isang napakalaking itlog na gumulong at natigil sa bahay ng isang bata. Ang sisiw na laman itlog ay isang Agila na inalagaan at napalaki ng bata. Naging mabuti silang magkaibigan. Dito unang lumabas sa isang pelikula bilang batang artista ang yumaong si Ace Vergel.

Uri ng Pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pelikula-Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.