Kodigong ATC
Ang Sistema ng klasipikasyon sa Anatomika, Terapeutika at Kemikal o Anatomical Therapeutic Chemical (ATC) ay ginagamit para sa klasipikasyon ng mga aktibong sangkap ng mga droga batay sa pagtalab ng droga sa organo o sistema at kung ano ang mga taglay na kemikal, terapeutika, at parmakolohikal. Kasalukuyang hinahawakan ito ng World Health Organization Collaborating Centre for Drug Statistics Methodology (WHOCC), at unang nailathala noong 1976.[1]
Hinahati ng sistemang pangkodigo sa medikasyon ang mga droga sa ibat-ibang pangkat batay sa pagtalab nito sa mga organo o sistema at/o batay sa pagkakakilanlang terapeutiko at kemikal. Nagrerepresenta ang bawat kodigong ATC para sa mga bagay na ginagamit sa medikasyon, o kombinasyon ng mga sabtans, o sa isang pangisahang indikasyon (o ng paggamit). Ibig sabihin nito na ang isang droga ay maaaring magkaroon ng mahigit sa isang kodigo. Halimbawa na lamang nito ay ang acetylsalicylic acid (aspirin), na mayroong A01AD05 bilang droga para sa lokal na paggagamot sa bibig, B01AC06 bilang isang platelet inhibitor, at N02BA01 bilang isang analgesic at antipyretic.
Klasipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa sistemang ito, nauuri ang mga droga sa mga pangkat sa limang magkakaibang baytang:[2]
Unang baytang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilamaman ng unang baytang ng kodigo ang mga pangunahing pangkat sa anatomiya at naglalaman lamang ng isang letra. Mayroong 14 na pangunahing pangkat:[3]
Kodigo | Nilalaman |
---|---|
A | Pitak gastrointestinal at metabolismo |
B | Dugo at mga organong nagbubuo ng dugo |
C | Sistemang sirkulatoryo |
D | Dermatolohikal |
G | Sistemang genito-urinaryo at mga sex hormone |
H | Paghahandang sistematikong pang-hormonal, hindi kasama ang mga sex hormone at insulin |
J | Antiinpektibo para sa sistematikong paggamit |
L | Antineoplastiko at ahenteng immunomodulator |
M | Sistemang pangkalamnan at pangbuto |
N | Sistemang nerbiyos |
P | Mga produktong Antiparasitiko, insecticide at repellent |
R | Sistemang respiratoryo |
S | Mga organong pangdamdam |
V | Maramihan |
Halimbawa: C Sistemang kardiobaskular
Pangalawang baytang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalaman ng ikalawang baytang ng kodigo ang pangunahing pangkat pangterapeutiko at nilalaman ng dalawang numero.
Pangatlong baytang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalaman ng ikatlong baytang ang subpangkat terapeutikal/parmakolohikal at nilalaman ng isang letra.
Halimbawa: C03C Mataas na diuretiko
Pang-apat na baytang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalaman ng ikaapat na baytang ang mga subpangkat kemikal/terapeutikal/parmakolohikal at nilalaman ng isang letra.
Halimbawa: C03CA Sulfonamide
Panglimang baytang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalaman ng ikalimang baytang ng kodigo ang mga kemikal na kompuwesto at nilalaman ng dalawang numero.
Halimbawa: C03CA01 Furosemide
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "ATC/DDD Methodology: History". WHO Collaborating Centre for Drug Statistics Methodology.
- ↑ "ATC: Structure and principles". WHO Collaborating Centre for Drug Statistics Methodology.
- ↑ "ATC/DDD Index". WHO Collaborating Centre for Drug Statistics Methodology.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "WHOCC Homepage". WHO Collaborating Centre for Drug Statistics Methodology.
- "ATC: Introduction". Family Medicine Research Centre, University of Sydney.
- EphMRA Anatomical Classification (ATC and NFC)