Bibig
| Bibig | |
|---|---|
| Mga detalye | |
| Latin | os, oris[1] |
| Mga pagkakakilanlan | |
| TA | A05.1.00.001 |
| FMA | 49184 |

Ang bibig o bunganga[2] (Ingles: mouth) ay ang daanan ng pagkain at hangin sa tao at hayop. Ginagamit din ito ng tao sa pagsasalita, samantalang sa paggawa ng mga tunog naman sa hayop.
Ang lukab ng katawan na kaagad na nasa likuran ng bunganga ng bibig, na kilala bilang lukab ng bibig (o cavum oris sa Latin),[3] ay ang unang bahagi ng kanal ng pagtunaw (alimentary canal), na humahantong sa lalaugan at sa lalanga (o esopago). Sa mga bertebradong tetrapodo, ang bibig ay nalilimitahan sa labas ng mga labi at pisngi, kaya ang lukab ng bibig ay tinatawag ding lukab na bukal (mula sa Latin na bucca, na nangangahulugang "pisngi"),[4] at naglalaman ng dila sa loob. Maliban sa ilang pangkat tulad ng mga ibon at lisanpibiyo, ang mga bertebrado ay karaniwang may ngipin sa kanilang bibig,[5] bagaman ang ilang uri ng isda ay may ngiping parinheo (ngipin sa lalamunan) sa halip na mga ngiping nasa bibig.
Karamihan sa mga pilong bilateral, kabilang ang mga artropodo, molusko, at kordado, ay may tubong bituka na may dalawang bukana, ang bibig sa isang dulo at ang tumbong sa kabilang dulo. Kung alin sa mga dulong ito ang unang nabubuo sa ontoheniya (pag-unlad ng indibiduwal) ay isang pamantayang ginagamit upang uriin ang mga bilateral na hayop bilang mga protostomo at deuterostomo.
Iba pang mga tungkulin ng bibig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga crocodilia na naninirahan sa mga tropiko ay maaaring bumuka ang bibig upang magpalamig ng katawan sa pamamagitan ng pagsingaw (evaporation) mula sa panloob na sapin ng bibig.[6] Ang ilang mamalyang hayop ay umaasa sa hingalin (panting) para sa termoregulasyon (pagpapanatili ng tamang temperatura ng katawan), dahil pinatataas nito ang pagsingaw ng tubig sa mga mamasa-masang ibabaw ng baga, dila, at bibig. Ang mga ibon naman ay umiiwas sa labis na init sa pamamagitan ng pagkikibot ng balat ng lalamunan (o gular fluttering), ang mabilis na paggalaw ng bahagi sa paligid ng lalamunan na balat, na kahawig ng paghingalin sa mga mamalya.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Schröder, Hannsjörg; Moser, Natasha; Huggenberger, Stefan (2020). Neuroanatomy of the Mouse: An Introduction. Springer International Publishing. p. 105. ISBN 978-3-03019-898-5. Nakuha noong December 24, 2023.
- ↑ English, Leo James (1977). "Bibig, bunganga". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ Gray, Henry (1918). "2a. The Mouth". Gray's Anatomy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Okt 10, 2022.
- ↑ "Buccal definition". Dictionary Reference (sa wikang Ingles). The Free Dictionary. Nakuha noong 18 Hulyo 2013.
- ↑ "Mouth definition". Dictionary Reference (sa wikang Ingles). The Free Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong Set 30, 2013. Nakuha noong 18 Hulyo 2013.
- ↑ Ross, Charles A., pat. (1992). Crocodiles and Alligators (sa wikang Ingles). Blitz. pp. 48–51. ISBN 978-1-85391-092-0.
- ↑ Robertshaw, David (2006). "Mechanisms for the control of respiratory evaporative heat loss in panting animals". Journal of Applied Physiology (sa wikang Ingles). 101 (2): 664–668. doi:10.1152/japplphysiol.01380.2005. PMID 16675613.