Rube Foster
- Tungkol ito sa isang manlalaro ng beisbol para sa Negro Leageus, para sa dating tagapukol sa beisbol ng Boston Red Sox noong ika-20 daantaon, tingnan ang Rube Foster (tagapukol sa beisbol).
Rube Foster | |
---|---|
Kapanganakan | 17 Setyembre 1879
|
Kamatayan | 9 Disyembre 1930
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | manlalaro ng baseball[1] |
Andrew Rube Foster (Setyembre 17, 1879 - Disyembre 9, 1930) ay isang Amerikanong manlalaro ng beisbol, tagapamahala, at tagapagpatupad sa Liga ng mga Itim. Itinuturing siya ng mga manunulat na kasaysayan bilang maaaring pinakamahusay ng Aprikanong Amerikanong tagapukol ng bola noong mga 1900. Siya ang nagtatag at namahala sa Chicago American Giants ("Mga Amerikanong Dambuhal ng Tsikago"), isa sa mga pinakamatagumpay na koponang pangbeisbol ng mga itim noong bago pa sumapit ang panahon ng integrasyon (pagsasama-sama ng mga puti at mga itim). Siya ang nagbuo ng Pambansang Liga ng ma Itim, ang unang nagtagal na pandalubhasang liga para sa Aprikanong Amerikanong mga manlalaro ng beisbol, na naging masigla mula 1920 hanggang 1931. Sa huling bahagi ng kanyang buhay, inangkin ni Foster ang kanyang matagal nang bansag na "Rube" bilang opisyal niyang gitnang pangalan.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.encyclopedia.chicagohistory.org/pages/42.html; hinango: 28 Marso 2020.
Mga pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Best Pitcher in Baseball: The Life of Rube Foster, Negro League Giant ni Robert Charles Cottrell (1970), Tagapaglathala: Palimbagan ng Pamantasan ng Bagong York (Bagong York) ISBN 0-8147-1614-8
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.