Ang isang totoong simbahan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang isang totoong simbahan o one true church ang pag-aangkin ng maraming mga sektang Kristiyano na ang kanilang sekta ang tanging totoo at tunay na simbahang Kristiyano na itinatag ni Hesus at ng mga apostol.

Mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

Simbahang Silangang Ortodokso[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Simbahang Silangang Ortodokso ay kumikilala sa sarili nito bilang ang "isa, banal, katoliko at apostolikong simbahan". Halimbawa nito ang mga isinaad sa mga synod na idinaos noong 1836 at 1838 at sa mga pakikipagsagutan nito kina Papa Pio IX at Papa Leo XIII.[1]

Simbahang Katoliko Romano[baguhin | baguhin ang batayan]

Idineklara sa Ikaapat na Konsehong Laterano na: "May isang unibersal na simbahan ng mga mananampalataya na sa labas nito ay absolutong walang kaligtasan".[2] Ito ay kilala bilang ang doktrinang Extra Ecclesiam nulla salus.

The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS)[baguhin | baguhin ang batayan]

The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS) o mga Mormon ay naniniwalang si Joseph Smith, Jr. ang pinili upang ibalik ang orihinal na organisasyong itinatag ni Hesus na ngayon ay nasa kabuuan na.

Paghaliling apostoliko[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Paghaliling apostoliko

Ang paghaliling apostoliko ang mga pag-aangkin ng mga iba't ibang sektang Kristiyano na ang kanilang simbahan ay itinatag ng isa o maraming apostol.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]